Feature Articles:

Southern Palawan, tumanggap ng higit P76-M halaga ng interbensiyon mula sa mga ahensya ng DA

Nakatanggap ang mga bayan ng Bataraza, Brooke’s Point, Sofronio Española, Rizal, Quezon, Narra at Balabac ng P76,626,489.00 halaga ng makinaryang pangsaka, fiberglass boat, gill nets, cash and food subsidy at indemnity checks.

Namahagi ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ng 20 unit ng 4WD Tractor, 32 unit ng hand tractor, 16 unit ng floating tiller, isang (1) unit ng precision seeder, 12 unit ng walk behind transplanter, isang (1) unit ng riding type transplanter, 12 unit ng rice reapers, 14 unit ng combine harvester, 10 unit ng thresher at tatlong (3) unit ng flatbed dryer. Ang mga kagamitang pansaka na ito ay ibinahagi sa 29 na samahan ng mga magsasaka at kooperatiba sa mga nabanggit na bayan. Ang kabuuang halaga na ibinigay ng PhilMech ay umabot sa P74.05 milyon, ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Mechanization Component Program.

Samantala, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nagbigay ng 10 unit ng 38 fiberglass reinforced plastic boat with complete accessories at 80 set ng bottom gillnets na nagkakahalaga ng P2.15 milyon sa mga mangingisda ng Rizal, Palawan.

Ang Philippine Coconut Authority (PCA) naman ay namahagi ng cash and food subsidy na may halagang P155,000.00 sa 31 magtatanim ng niyog ng Bataraza habang ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ay namahagi naman ng indemnity checks sa 52 magsasaka ng palay ng Bataraza, Brooke’s Point at Rizal na nagkakahalaga na P269,289.00.

Ang pamamahaging ito ng iba’t ibang ahensya ng Kagawaran ng Pagsasaka ay pinangunahan ni Sec. William D. Dar sa kanyang pagbisita sa probinsya noong Enero 29.

“Alam ko naman na you will handle these farm machineries very well dahil alam ko na kayo na ating mga magsasaka at mangingisda ay open sa mga innovations na ibinibigay ng DA at ng provincial government,” paniniguro ni Sec. Dar sa mga magsasaka at mangingisda.

Paggawad ng Certificate of Turn over sa mga magsasaka ng Bataraza

Sinigurado rin ng Kalihim na patuloy ang pakikipagtulungan ng kagawaran sa mga lokal na pamahalaan upang mas mapadali ang pagtugon sa pangangailangan at pagbibigay tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

“We will strengthen our partnership with the local government units to provide the needed assistance of our farmers and fisherfolks,” ani ni Sec. Dar.

Lubos ang pasasalamat ng mga magsasaka at mangingisda na nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan katulad ni G. Jibsam Andres, pangulo ng Dumanguena Manaile River Irrigators Association Inc. ng Narra, Palawan.

“Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga naging produkto ng mga proyekto ng pamahalaan. Kay Dir. Jallorina ng PhilMech at kay Dir. Gerundio ng DA-MIMAROPA, nais po naming sabihin na ang programa at event na ito ay isang history upang patuloy na maging consistent para sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda. Sa ngalan po ng mga magsasaka, nangangako kami na magiging responsable kami sa mga pagpapala na ibinahagi sa amin at kaisa niyo kami para pagrekomenda nito sa ibang mga magsasaka para makayanang makasabay sa mga produktong pang agrikultura sa lahat ng bansa,” kanyan sinabi.

Bukod kay Sec. Dar, ilan pa sa mga panauhin sa turn-over ceremony ay sina: Asst. Secretary Noel Reyes ng Kagawaran ng Pagsasaka; Director Antonio G. Gerundio ng DA-MIMAROPA; Mayor Abraham M. Ibba ng Bataraza; Governor Jose Ch. Alvarez ng Palawan; at Congresswoman Cyrille F. Abueg-Zaldivar ng 2nd district ng Palawan. # # # (Angela Rei M. Rodriguez / DA-RFO IVB, RAFIS)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...