Feature Articles:

Mga programa ng DA sa mga Zambaleño, inilatag!

Lungsod ng San Fernando, PAMPANGA – Inilatag ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa mga Municipal Agiculturists ng Zambales ang mga nakahandang bago at kasalukuyang programa at proyekto nito para sa lalawigan sa naganap na pagpupulong noong ika-3 ng Pebrero sa Opisina ng Provincial Agriculturist ng Iba, Zambales.

Dinaluhan ang pagpupulong ng Agriculture Provincial Coordinator (APCO) ng Zambales Luz Pangan, Regional Rice Program Focal Person Lowell Rebillaco, Regional Seed Program Coordinator Christian Ramos, Regional Livestock Program Focal Person Elisa Mallari, Regional Corn Program Staff Genesis Martin, Regional High Value Crops Development Program Staff Gleay Balignasay, Provincial Agriculturist ng Zambales Russel Quitaneg at Provincial Agriculture and Fishery Chairperson ng Zambales Onesimo Romano.

Sa mensahe ni Provincial Agriculturist Russel Quitaneg nabanggit nito na kung kukwentahin ang kabuuang naitulong ng DA sa Zambales ay aabot na ito ng bilyong piso at patuloy parin ang ayudang ipinagkakaloob sa lalawigan. Kaya’t lubos ang pasasalamat nito na hindi bumibitaw ang kagawaran sa kanila at isa ngang kapatunayan nito ay ang bagong alokasyon para sa iba’t-ibang programa at proyekto inihanda para sa mga magsasaka ng lalawigan.

“Bilang ganti ay napaganda at napaangat naman po namin ang sector ng agrikultura dito sa Zambales. Nabigyan din po tayo ng pagkakataong magkaroon ng mga Outstanding Rice Achievers noong nakaraang taon dahil sa suporta at tulong na pinagkakaloob ng DA”, dagdag ni Quitaneg.

Hinikayat naman ni APCO Luz Pangan ang mga MAO na pag-igihin pa ang pagrerehistro sa mga magsasaka. “Nasa 13,000 napo ang ating nairehistro at ang ating target po ay 19,000 (RSBSA Registered). Sana po ay maipasok napo lahat ng mga farmers naten dahil ‘yung mga susunod na mabibigyan ng ayuda ay ang mga RSBSA (Registry System for Basic Sectors in Agriculture) registered lang”, pakiusap ni Pangan.

Sa pagsisimula, ibinahagi ng Rice Program Focal Person Lowell Rebillaco ang One-DA (A Holistic Approach for Agriculture and Fisheries Transformation) Approach ng Kalihim ng Pagsasaka na si Dr. William Dar upang maging pamilyar ang bawat munisipyo. Binubuo ito ng 12 istratehiya: Farm Clustering/Bayanihan Agri Clusters (BACs); Province-led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES); Agri-industrial Business Corridors (ABCs); Infrastructure Investments; Post-harvest, Processing Logistics, & Marketing Support; Digital Agriculture; Climate Change Adaptation & Mitigation Measures; Mobilization & Empowerment of Partners to Attain Scale; Global Trade, Export Development & Promotion; Food Safety & Regulations; Ease of Doing Business & Transparent Procurement; at Strategic Communication Support.

Matapos nito, nagbigay ng update si Rebillaco sa fertilizer in-kind na mula sa Rice Resiliency Project (RRP) 1 at sa bagong prosesong fertilizer voucher scheme sa RRP 2.

Kasunod nito, inilatag ng bawat banner program ang mga alokasyon nila sa taong 2021.

 Ang Rice Program ay may mahigit 2.9 bilyong alokasyon para sa suportang produksyon, mga pagsasanay, pananaliksik para sa kaunlaran, sa irigasyon, at mga suportang makinarya, gamit at pasilidad sa pagsasaka.

Samantala, ang High Value Crops Development Program (HVCDP) naman ay may mahigit 113.6 milyong nakalaang pondo para sa produksyon, pagsasanay, makinarya at irrigasyong nasasakupan ang programa.

Kabilang din sa nagbahagi ng kanilang programa ang Corn Banner Program na may paglaan din ng suporta sa produksyon tulad ng libreng hybrid seeds, OPV glutenous white corn at cassava planting materials; alokasyon ng pondo sa research para sa pamamagi ng mga biological control agents tulad ng earwig at tricograma; at mga makinarya.

Panghuling naglatag ng kanilang mga programa at proyekto para sa lalawigan ay ang Livestock Banner Program na may target na pamamahagi ng iba’t-ibang klase ng kahayupan, pagsasanay sa mga nag-aalaga ng hayop, pagpapalago sa mga livestock-based enterprises, pamamahagi ng mga planting materials, artificial insemination sa baka at kalabaw, at suporta upang maiwasan o mapigilan ang mga karaniwang sakit ng hayop.

Ipinaliwanag din sa mga Municipal Agriculturists ang paraan ng pagre-request ng mga interbensyon at mga nadagdag na dokumentong hihingin ng kagawaran at isa na nga dito ang listahan ng mga miyembro ng asosasyon o lehitimong magsasaka na nakarehistro sa RSBSA. # # # (DA-RFO III, RAFIS)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...