February 4, 2015 nang maganap ang isang karumal-dumal na krimen na pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao.
Ngayong taon, February 5 – 44 na nagsipagtapos ng Agrikultura mula sa lalawigan ng Cagayan at Palawan ang biniyayaan ng 1-ektaryang lupang sakahan ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan upang lupang himukin ang mga kabataan na magsaka at mapanatili ang seguridad ng pagkain sa bansa.
Ibinigay ni Kalihim John Castriciones ang Certificates of Landownership award (CLOAs) sa 44 na nagtapos ng mga kurso na may kaugnayan sa agrikultura.
Ang DAR ang maituturing na unang ahensya sa bansa na mamimigay ng libreng lupa sa mga nagtapos ng agrikultura upang mabigyan sila ng pagkakataon na magamit ang kanilang propesyon sa kanilang sariling lupain at mahimok ang mga kabataan na magsaka.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, may 11 milyong Pilipinong magsasaka at nakita na ang karaniwang edad ng mga ito ay nasa 57 gulang o nangangahulugang “aging population” na ang mga magsasaka sa Pilipinas.
Sinasabing ibang propesyon ang interes kunin ng maraming kabataan dahil sa ang nailagay sa kanilang kaisipan na mahirap ang pagsasaka.
Ipinahayag din ni Secretary Castriciones na ayon sa pag-aaral, ang bansa ay maaaring magkaroon ng kakulangan sa mga magsasaka kung hindi ito mabibigyan ng lunas dahil taun-taon bumababa sa 1.5 porsiyento ang kanilang bilang, dahilan upang humina ang sektor ng agrikultura.
“Naniniwala ako na sa insentibo at hakbang na ito ay mapagyayaman ng ating mga graduates ang kanilang lupain dahil ito ay magsisilbing “farm laboratories” nila kung saan magagamit nila ang mga teorya at at magagandang kasanayan na kanilang natutunan sa mga paaralan ay mapakikinabangan naman ng milyong Pilipino dahil sa kaseguruhan ng ating mapagkukuhaan ng pagkain,” ayon kay DAR Secretary John Castriciones.
Ang mga ipamahaging lupain ay mga nakatiwangwang na government-owned lands (GOLs), na isinailalim sa Executive Order (EO) No. 75, Serye ng 2019.Ang EO No. 75, Serye ng 2019, ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 1, 2019, upang mapabilis ang proseso ng pagsasailalim ng mga GOLs na sakop sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).Batay sa pagsasalliksik ng nasabing ahensya, humigit-kumulang sa 230,000 ektaryang lupain ang GOLs sa bansa.
Bahagi ng mga lupain na matatagpuan sa Cagayan State Univerity (CSU) sa Lallo, Cagayan at Busuanga Pasture Reserve (BPR) sa Busuanga, Palawan ay ang ipinamahagi sa mga nagtapos.
Ang mga tumanggap ng lupain mula sa CSU ay sina:
1. Gilmar Jay Acebedo
2. lvin Agcaoili
3. Juanito Agluba Jr.
4. Noel Compra
5. Julius John Dela Cruz
6. Welfredo Gacusan Jr.
7. Victorino Lagudoy
8. Murphy Maingag
9. Manuel Kriston
10. Adones Ohayas
11. Fernando Rabut
12. McReymart Rabut
13. Sherwin Ramos
14. Jarren Ador Raquepo
15. Hener Ribis
16. Leonardo Sumauang
17. Ryan Paul Uson
18. Angelito Vagay
19. Jerome Usabal
20. Angelica Adatan
21. Marife Allag
22. Analyn Bugnalon
23. Rica Enorme
24. Vanessa Gacusan
25. Jemimah Guzman
26.Melissa Joy Israel
27. Karen Grace Justo
28. Pauline Ordillo
29. Roshel Torrena
30. Vanessa Usabal.
Samantalang ang mga tatanggap ng lupain ng BPR ay sina:
1.Gensefil Manginsay
2. Rommel Cagmat
3. Abigail Lagrada
4. Sunshine Araza
5. Florelyn Gutib
6. Bethel Joy Libarra
7. Arman Bacnan
8. Marydel Llanillo
9. Shahanie Diacasin
10. Dexter Edonga
11. Grecia Nimorca
12. Ronalyn Olanas
13. Necille Onayan
14. Necca Juanerio Cabajar
Samantala, naging kapansin-pansin sa publiko ang pangunguna ng Department of Agrarian Reform sa mga proyektong katulad nito na dapat umanong pinangungunahan ng Department of Agriculture. Ayon kay Kalihim John Castriciones, “matagal nang may ganitong batas, hindi ko alam kung bakit hindi nila ginagawa.”# Cathy Cruz