Mahigit kumulang na tatlumpu’t limang patay na baboy ang nakita ng mga residente ng Naujan at Pola, Oriental Mindoro nitong January 25, 2020. Ikinatakot agad ito ng ilang lokal na opisiyal at mga residente ng probinsya sapagkat baka ito ay kontaminado ng African Swine Fever, na kasalukuyan ay ‘Free’ pa ang buong Mindoro island. Matapos mag kolekta ng tissue samples, nagpadala agad ng sample si Dr. Alfredo Manglicmot ng Provincial Veterinarian ng Oriental Mindoro sa Bureau of Animal Industry – Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory upang itest ito sa African Swine Fever. Agad agad dinisinpekta at nilibing ang mga baboy na natagpuan.
Nag-negatibo sa African Swine Fever ang mga sample na kinolekta gamit ang PCR. Gayunpaman, tuloy pa rin ang imbestigasyon at koordinasyon na ginagawa ng Department of Agriculture at ng mga Local Government Units upang malaman ang pinanggalingan ng mga patay na baboy sa dalampasigan ng Oriental Mindoro. # ## (DA-BAI)