Binuksan kahapon ang Kadiwa ni Ani at Kita sa Southern Cagayan Research Center sa Minanga Norte, Iguig, Cagayan na pamumunuan ng Cagayan Valley Mushroom Entreprenuers Cooperative.
Bukod sa mga karaniwang benta sa Kadiwa ni Ani at Kita, tulad ng gulay, prutas, isda, processed meat at marami pang iba, nagkaroon din ng ceremonial ribbon-cutting para naman sa mga by-product ng Mushroom na mula sa mga grower sa lambak.
“Our group aims to create a wider network and touch every Filipino’s life by showcasing quality local produce through our pasarabu center. Enjoy your travel, enjoy your Pasarabu. Drop and buy at PASARABU de CAGAYAN,” ani ni David D. Sumajit, chairman ng CVMEC.
Nakadisplay din ang mga samu’t-saring produktong gawang kabute na kung saan si Sumajit at ang kanyang grupo ay ipapatikim na rin ang mushroom miki na isang produkto ng Research for Development ng DA RFO 02.
Dumalo rin sa soft launching si RTD for Research and Regulatory RoseMary G. Aquino na iniimbitatahan at inaanyahan ang lahat na bisitahin ang bagong bukas na Kadiwa ni Ani at Kita. # # #(DA-RFO II, RAFIS)