Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

KYUSI AT DAR NAGSANIB PUWERSA PARA SA BUHAY SA GULAY PROJECT

Sino ang magsasabing sa lungsod ay hindi makapagtatanim? Sabi nga ng matatanda, kapag gusto may paraan at kapag ayaw maraming dahilan.

Ang Department of Agrarian Reform ay naglunsad ng kanilang proyektong “Buhay sa Gulay” na ang layunin ay gamitin ang mga nakatiwangwang na lupa sa mga kalunsuran upang tamnan ng gulay bilang sagot sa kagutuman lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Unang umani ng 600 kilong gulay (spinach, petchay, chinese kangkong at mustasa ) sa presyong diskuwento ang ilan nating kababayan sa 8 libong metro kuwadradong Soccer Field ng St. John Bosco Parish sa Tondo, Manila na ginawang gulayan nitong Enero 3.

Ayon kay Kalihim John R. Castriciones, tinatantya ng DAR na ang taunang produksyon ng gulay kada ektarya ay makapagpapabunga ng may 765 metrikong toneladang gulay gaya ng: 29.7 MT talong; 0.7 MT sitao;  350 MT pechay; 280 MT mustasa; 25 MT squash; 80 okra;  at 20 MT ampalaya.

Bukod sa Maynila, sa ikalawang pagkakataon muling naglungsad ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng proyektong urban vegetable farming o “ Buhay sa Gulay” project, sa halos 7 ektaryang lupa na matatagpuan sa Bagong Silangan, Quezon City.

Pinangunahan ni DAR Secretary John Castriciones ang paglulunsad at paglagda sa isang kasunduan o Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pangunguna ni Mayor Maria Josefina Tanya Go “Joy Belmonte Alimurung” kasama sina Department of Agriculture Project Coordinator and Implementer- Halaman ng buhay and Planters Products President and CEO, Chairman of the Board Ranilo ‘Mat’ M. Maderazo; Bureau of Plant Industry Asst. Director for Operations & Administration Gerald Glenn F. Panganiban; MPM; DAR PARPO II Satunino B. Bello; DAR Regional Director Rene E. Colocar; DAR Undersecretary for Support Services Atty. Emily O. Padilla; DAR Undersecretary for Policy, Planning and Research Office Virginia N. Orogo; Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) QC District Office Mariflor R. Liwanag; Agricultural Training Institute Deputy Director Rosana P. Mula; Barangay Bagong Silangan Wilfredo L. Cara;  BREAD Society International Vice President Edwin P. Verzano at Rizal Agrarian Reform Beneficiaries Organizations.

Ayon kay Secretary Castriciones, inutusan nya ang lahat ng Regional Directors ng DAR na magbigay ng listahan ng lahat ng mga barangay na maaaring lagyan ng “Buhay sa Gulay” project upang masiguro ang kalusugan at kabuhayan ng ating mga kababayan sa buong bansa may pandemya man o wala.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Joy Belmonte sa DAR dahil malaking tulong ito sa isang napakalaking lungsod na may mga malnourish na kabataan sa ilang barangay. Binanggit din nyang nagpasa ng ordinansa ang lungsod ukol sa mga bakanteng lote na tinataniman sa halip na nakatiwangwang.

Bilang pagtugon din ng DAR sa paghimok sa mga kabataan na pasukin at magkaroon ng interes sa pagsasaka, bibigyan ng 3 ektarya ang mga kabataan makakatapos ng agrikultura upang taniman.

Pangako nina Mayor Joy at DAR Secretary John na itutuloy nila ang proyektong ito upang magkaroon ng kakayahan ang bansa na pakainin ang sarili nitong mamamayan nang hindi na umasa sa pag-angkat ng pagkain sa ibang bansa.# (Cathy Cruz) / (Photos by: Robert Gines, PAMRS, DAR)

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...