𝗢𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢 – Patuloy ang training na isinasagawa ng Department of Agriculture- Special Area of Agricultural Development (DA-SAAD) MIMAROPA para sa mga benepisaryo ng Native Chicken Production Project nito sa Paluan.
Dumalo ang 73 miyembro ng Sitio Hinugasan Cassava Planters Association, na kabilang sa tribung Iraya-Mangyan, sa training na ginanap sa covered court ng Sitio Pamutusin, Brgy. Harrison noong nakaraang Huwebes, Disyembre 3.
Ang nasabing samahan ay makakatanggap ng 300 native chicken mula sa DA-SAAD.
Nagbigay ng kaalaman tungkol sa tamang pag-aalaga at pangangasiwa ng native chicken si Jhonzell Panganiban (Area Coordinator ng Paluan). Katuwang niya si Raff Joseph Egos (MAO staff ng Paluan) at Ian Von Yadao (Area Coordinator ng Santa Cruz).
Nagalak ang mga katutubong benepisaryo nang kanilang malaman na may darating na proyektong hatid ng SAAD sa kanilang lugar.
Plano ng samahan na paramihin ang kanilang matatanggap na manok.
Malaking tulong sa kanila ang pagmamanukan habang naghihintay silang anihin ang balinghoy sapagkat may mapagkukuhanan sila ng itlog na pwedeng kainin ng bawat pamilya.
Makakatulong ang pag-aalaga ng manok upang mabawasan ang malnutrisyon na laganap sa kanilang komunidad. # # #(DA-RFO IVB, SAAD)