Feature Articles:

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino...

BENEPISYARYO NOON, DSWD FINANCIAL ANALYST NGAYON

Si Ely Rose Retuya, dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang Financial Analyst ng DSWD Office of the Assistant Secretary for Specialized Programs sa ilalim ni Assistant Secretary Rhea B. Peńaflor.

Parang palabas sa telebisyon kung ilarawan ni Ely Rose Retuya ang karanasan ng kanyang pamilya higit pitong taon ang nakalipas.

Lumaki si Ely at ang kanyang mga kapatid sa isang komunidad na inilarawan niyang magulo at talamak ang bisyo. Nakatira sila noon malapit sa sapa sa isang informal settlement sa Barangay Batasan, Quezon City.

Mayroong dalawang karanasan si Ely mula sa kanyang kabataan na tumatak sa kanyang isipan–ang pakikinuod ng telebisyon sa kapitbahay at pangangalakal ng basura.
“Naranasan naming ng kapatid ko na makinood ng TV sa kapit-bahay namin. ‘Tapos sinasarado nila yung bintana,” kwento ni Ely.

Dagdag pa niya, may pagkakataon pa na naipit ng pinto ang daliri ng kanyang kapatid dahil sa pakikinuod. Nagbabahay-bahay rin si Ely noon kasama ang mga kalaro niya para magtanong ng mga ipapatapon na basura. Bawat basura na ipatatapon sa kanila ay may katumbas na barya.

“One time, pag-uwi ko galing sa pagtatapon ng basura, pinagagalitan ako ni Mama kasi gabi na nang umuwi ako,” kwento ni Ely. Doon niya napansin na wala silang kuryente sa bahay at wala silang pambili ng bigas.

“Yung kinita ko sa pagbabasura ay binigay ko kay Mama,” ani Ely.
Dahil sa mga karanasang ito, nangarap si Ely ng maginhawang buhay para sa kanyang pamilya. “Tumanim sa isip ko na kailangan ko talagang mag-aral nang mabuti para makatulong sa pamilya namin para makaahon kami sa hirap,” dagdag pa ni Ely.

Paghakbang
Taong 2013 nang makasama ang pamilya Retuya sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Dito na nagsimula ang pagbabago sa kanilang buhay.
“Natulungan talaga nila kaming tumawid from that kind of life na talagang kapus-palad,” sabi ni Ely.

Dahil sa cash grants na nakukuha nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kondisyon ng programa, natulungan ang pamilya Retuya sa pang-araw -araw nilang pangangailangan at gastusin sa eskwelahan.

May mga kalakip ding mga proyekto ang programa para sa mga benepisyaryo.
“Yung Mama ko, naturuan sila kung paano mag-save at mag-budget,” kwento pa ni Ely.
Naniniwala si Ely na malaking tulong na matuto mula sa programa ang mga benepisyaryo kagaya nila na walang access sa iba’t-ibang uri ng kaalaman.

Pagtawid
Ngayon ang huling taon ng pamilya Retuya bilang benepisyaryo ng 4Ps. Ayon kay Ely, malaking aral ang babaunin niya mula sa lahat ng kanyang mga naging karanasan sa ilalim ng programa.

“Hinubog ako ng experience na huwag mawalan ng pag-asa; na pwede pa ring mangarap,” ani Ely. “You need to help yourself. Kailangan mo rin kuhanin yung oportunidad at pagkakataon na binibigay sa’yo. Maging matalino sa paggamit ng tulong na ibinibigay ng programa,” dagdag pa niya.

Apat sa anim na magkakapatid na Retuya ay may kani-kaniya nang mga propesyunal na trabaho. Ngayon, mayroon na silang flat screen TV at hindi na nakikinuod sa kapit-bahay.
“Maybe ito yung plano ng Diyos, na gamitin niya yung kwento ko at ng pamilya ko para maging testimony and to give hope sa iba na pinagdadaanan din yung pinagdaanan namin,” paliwanag ni Ely.

Sa kasalukuyan, isa nang kawani ng DSWD si Ely bilang Financial Analyst sa Office of the Assistant Secretary for Specialized Programs sa ilalim ng pamumuno ni DSWD Assistant Secretary Rhea B. Peńaflor.

Ayon kay ASec. Rhea, “Si Ely ang Exhibit A. Siya ang mukha ng tagumpay ng programang 4Ps. Gusto nating marami pang Ely ang 4Ps para mawakasan na ang kahirapan. Kagaya nga ng parati kong sinasabi, education is the best equalizer between the rich and the poor.”

Ang 4Ps ay ang programa ng pambansang pamahalaan na ipinapatupad ng DSWD na namumuhunan sa edukasyon at kalusugan ng mahihirap na Pilipino.

Naglalayon itong mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap sa pamamagitan ng pagtitiyak na nababantayan ang pangkalusugang pangangailangan ng sambahayan, nakakapasok ang mga bata sa paaralan, at dumadalo sa buwanang Family Development Session ang magulang o guardian. (DSWD-PR)

Latest

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino...

“HINDI NA NILA MALOLOKO ANG TAUMBAYAN: CenPEG, binuksan ang katotohanan sa ‘Political Theater’ ng Kongreso!”

Mariing tinutukan ng isang non-government organization ang mainit na...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Gomez sets record straight, Forces apology from misinformed critics

Congressman Gomez Apologizes, Defends Flood Control Project Amid ControversyIn...
spot_imgspot_img

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held a public forum on Monday, September 11, to demand transparency and justice for what they...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang bayani ang lumalabas upang bigyan ng pangalan at kapayapaan ang mga biktima: ang forensic dentist. Nang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala na ang teknolohiyang blockchain ang susi upang wakasan ang korapsyon sa bansa, at...