Magkatuwang na bumuo ang National Solid Waste Management Commission (NSWMC) at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng online short course on solid waste management (SWM) na libre sa publiko.
Base sa NSWMC Resolution No. 1424, Series of 2020, ang technical working group ng komisyon at ang TESDA ay gumawa ng e-learning material para sa implementasyon ng SWM sa workplace.
Ang NSWMC ang pangunahing ahensiya na naatasan una magpatupad ng mga probisyon na nakasaad sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ang 17-member commission ay pinamumunuan ni Secretary Roy A. Cimatu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay NSWMC Alternate Chair at DENR Undersecretary for Solid Waste Management ang Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda, ang digital learning material ay ginawa upang matulungan ang mga tao na magawa ang epektibong SWM habang tayo ay nasa new normal.
“Through this online course, we make learning SWM possible even while we are in a pandemic,” paliwanag ni Antiporda.
“Gaining knowledge about best SWM practices is vital at this time because household health care waste, such as disposable face masks and gloves, must be disposed of properly,” dagdag pa nito.
Ang online short course ay may dalawang unit, ito ay ang Introduction to Ecological Solid Waste Management at Practicing Solid Waste Management.
Kabilang sa unang unit ang pag-aaral sa Philippine environmental laws and regulations, ecological SWM maging ang pinanggagalingan ng basura.
Sa ikalawang unit naman, kabilang sa mga pag-aaralan ang waste segregation, composting, recycling, managing residual waste na may potensiyal para sa recycling at ang tamang waste collection, treatment at disposal.
Magkakaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral pagkatapos ng kurso bago sila bigyan ng certificate.
“For those who have some time to spare during this lockdown, we suggest this as a good way to spend your time productively and learn something new that can help the environment,” sabi pa ni Antiporda.
Libreng makukuha ang kurso na ito sa pamamagitan ng pagbisita at pagpapatala sa TESDA website na http://www.e-tesda.gov.ph. ### (Strategic Communication and Initiatives Service (SCIS)