Ino-operate pa rin ng Manila Water ang tatlumpu’t pitong (37) deepwells sa kabuuan ng East Zone na nakapagbibigay ng hanggang 46.21 million liters per day (MLD) ng tubig, ayon sa tala noong ika-16 ng Marso, 2020. Nakatutulong itong magdagdag sa supply upang masiguro na mayroong magagamit at maiinom na tubig ang mga customers sa gitna ng banta ng COVID-19. Higit sa tatlumpung (30) deep wells pa ang kasalukuyang itinatayo upang maabot ang target na 100 MLD kabuuang dami ng tubig na makukuha mula deepwells.
Ayon kay Manila Water Corporate Strategic Affairs Group Head Jeric T. Sevilla kinakailangan ang karagdagang supply mula sa mga deepwell upang matugunan ang pangangailangan sa tubig ng mga customer habang hindi pa natatapos ang pagtatayo ng panibagong major water source. “Mahalaga ang pago-operate ng mga deepwell na ito bilang karagdagang pagkukunan ng tubig upang mapanatili namin ang serbisyo sa 24/7 na supply sa 7 psi o pressure na aabot lamang hanggang unang palapag, lalo na sa pagtaas ng demand ngayong tag-init at sa karagdagang pangangailangan sa kalinisan upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19,” dagdag pa ni Sevilla. #(MWC Corporate Communications)