KAUGNAY ITO NG PAGKAKALOOB NG PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION O PAGCOR NG TATLUMPU’T LIMANG MILYONG PISO SA ALBAY PROVINCIAL GOVERNMENT UPANG TUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN NG MGA RESIDENTENG NAWALAN NG KABUHAYAN BUNSOD NG NASABING KALAMIDAD.
SA NABANGGIT NA HALAGA, LABINGPITONG MILYONG PISO ANG NAPUNTA SA TANGGAPAN NI ALBAY GOVERNOR AL FRANCIS BICHARA.
GAGAMITIN ITO SA PAGPAPATAYO NG PERMANENT EVACUATION CENTERS AT RESETTLEMENT VENUES SA HAZARD-PRONE AREAS; PAGTATAGUYOD NG TEMPORARY LEARNING SHELTERS AT MGA PALIKURAN; PAGBILI NG PAGKAIN, INUMING TUBIG, GAMOT, TENTS AT SA IBA PANG MGA GASTUSIN.
SAMANTALA, ANG NALALABING LABINGWALONG MILYONG PISO AY INILAAN PARA SA MGA BAYAN NG STO. DOMINGO, MALILIPOT, BACACAY, DARAGA, CAMALIG, GUINOBATAN AT SA MGA LUNGSOD NG TABACO, LEGAZPI AT LIGAO.
PARA NAMAN ITO SA MGA PAGKAIN AT IBANG PANGANGAILANGAN NG MGA RESIDENTENG NANANATILI SA MGA EVACUATION CENTERS.
AYON KAY PAGCOR CHAIRMAN AND CEO ANDREA DOMINGO, BAHAGI NG MANDATO NG KANILANG AHENSYA ANG PAGLALAAN NG KITA NITO SA IMPRASTRUKTURA AT IBA PANG HIGH-IMPACT SOCIO-CIVIC PROJECTS GAYA NG PAGPAPAKUMPUNI NG ILANG ARI-ARIAN NA NASIRA NG KALAMIDAD. (PAGCOR-CCD)