Feature Articles:

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Disertasyon hinggil sa mga Tomasinong Propesor at Pamimilosopiyang Filipino, pinagkalooban ng Gawad Julian Cruz Balmaseda

Hinirang nitong 26 Enero 2018 ang disertasyon hinggil sa mga ambag ng Tomasinong pilosopo sa pamimilosopiyang Filipino bílang pinakamahusay na disertasyon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda.

Ang disertasyon ni Dr. Emmanuel C. De Leon ng Unibersidad ng Santo Tomas, Ang Intelektuwal na Pamana ng mga Pangunahing Tomasinong Pilosopo sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino: Quito, Mercado, Hornedo, Timbreza, Abulan, at Co. ay pinagkalooban ng isa sa pinakamataas ng pagkilala ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Ayon sa ulat ng lupon ng inampalan, “Kapuri-puri ang ambag na ito ng pag-aaral at pananaliksik sa pagsusulong ng isang uri ng intelektuwal na wikang Filipinong may pagsasaalang-alang sa saloobin at pagkataong Filipino.”

Umupo sa lupon ng inampalan sina Eulalio R. Guieb III, Michael Charleston Chua, at Dr. Ma. Crisanta N. Flores.

Tatanggap si De Leon ng PHP100,000.00 at opsiyong malathala ng KWF sa ilalim ng Aklat ng Bayan. Kabilang sa mga nalathalang aklat mula sa mga nagwagi sa Gawad Balmaseda ang Sakdal: Kasaysayang Pangkalinangan ng Isang Kilusang Panlipunan 1930-1938 ni Dr. Marlon Delupio (2015) at ang kalulunsad na Kalamidad sa Panahon ng Japon, 1943-1945 ni Roman R. Sarmiento Jr. II (2016).

Bukás at tumatanggap na ng mga tesis at disertasyon ang Gawad Julian Cruz Balmaseda 2018 na limang taon nang kinikilala ang pinakamahusay na saliksik at pag-aaral sa iba’t ibang larang gamit ang wikang Filipino. Bahagi ito ng kampanya ng KWF sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

Tatanggap ang KWF ng mga tesis at disertasyon hanggang 6 Oktubre 2018. Para sa mga detalye, tumawag sa 736-2519, o magpadala ng email sa komisyonsawikangfilipino@gm ail.com. (Komisyon sa Wikang Filipino)

Latest

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...
spot_imgspot_img

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5% in the latest 2025 Senate Survey of Tangere. Cong. Erwin Tulfo, achieved high voter preference...

Ant International Unveils its Global Sustainability Initiative ‘AquaViva’, Leveraging Digital Innovations and Ecosystem Partnerships for Marine Conservation

In partnership with Conservation International, AquaViva launches its first project – whale shark conservation in Indonesia SINGAPORE, 18 November 2024 – At the UN Climate...

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...