Magkakaroon ng pampublikong panayam at lunsad-aklat hinggil sa sining at kulturang Muslim si Dr. Abraham P. Sakili sa 7 Nobyembre 2017, sa Sentrong Asyano, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Ang aklat na Espasyo at Identidad: Mga Ekspresyon sa Kultura, mga Sining, at Lipunan ng mga Muslim sa Filipinas ay isang masinsinang pagsipat sa sining ng espasyong Muslim pati na ng mga espasyo sa kultura, sining, at lipunan ng mga Filipinong Muslim.
Kabilang sa mga masusing inaral sa kulturang Muslim ang mga tela, banig, pinta, kaligrapiya, at konstruksiyon ng mga bahay, masjid, at bangka na ginagabayan ng mga prinsipyo ng Tawhid (Kaisahang Dibino) at Khalifa (tao bílang katiwala ng dibino). May kasama rin itong mga dibuho na ginawa ni Sakili.
Si Dr. Sakali ay kasalukuyang komisyoner ng KWF para sa mga wika ng Muslim Mindanao at propesor ng Arte at Humanidades sa UP Kolehiyo ng Arte at Literatura at. Mula mga taong 1989–1991, nakaramit niya ang parangal na Natatanging Guro ng UP Diliman. Kinikilalang kontribusyon niya ang pagdisensyo ng UP Sablay na ginagamit ng pamantasan sa pagtatapos ng mag-aaral nito.
Bukás sa publiko ang panayam at paglulunsad. Para sa pagpapatala, tumawag sa 736-2519 at hanapin si John Enrico C. Torralba o magpadala ng sulatroniko sa komisyonsawikangfilipino@ gmail.com.