Feature Articles:

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Tagisan ng talino sa ispeling sa Filipino, búkas na!

Magtatagisan sa ispeling sa Filipino ang mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang  ng mga paaralang publiko at pribado sa Pambansang Paligsahan sa Ispeling: IISPEL MO! na isasagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Kapisanan ng mga Superbisor at Guro sa Filipino (KASUGUFIL).

Pangungunahan at pangangasiwaan ng Kalupunan ng mga Direktor ng KASUGUFIL at KWF ang pagsubaybay sa isasagawang paligsahan sa antas dibisyon at antas rehiyonal sa buong bansa. Ang magwawagi sa rehiyon ang maglalaban-laban para sa antas pambansa na gagawin sa 28–30 Nobyembre 2017 sa National Educators Academy of the Philippines (NEAP), DepED, NCR, Lungsod Marikina.

Makatatanggap ang mga magwawagi sa antas pambansa ng mga papremyong cash, plake, at tropeo mula sa KWF. Ang mga gantimpala sa mga mag-aaral ay ang sumusunod: una, PHP35,000.00; pangalawa, PHP25,000.00; pangatlo, PHP15,000.00; pang-apat, PHP10,000.00; at panlima, PHP5,000.00. Ang mga tagapagsanay ng mga magwawagi sa antas pambansa ay makatatanggap din ng sertipiko at cash.

Noong 2016, tinanghal si Karla Rhea C. Abella ng Mababang Paaralan ng Pataya ng Solano, Cagayan bilang kauna-unahang kampeon sa Pambansang Paligsahan Sa Ispeling: Iispel Mo! Pumangalawa naman si Gichelle Mirachle C. Burwell ng Mababang Paaralan ng Palanan ng Lungsod Makati at pumangatlo naman si Kristel Ann Patrice O. Santos ng Sentral na Paaralan ng Baybay I ng Baybay, Leyte.

Layunin ng paligsahang ito na malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa wastong ispeling ng mga salita ayon sa ortograpiyang pambansa at mapalaganap ang mga napapanahong kaalaman sa wikang Filipino.

Ang programang ito ay bahagi ng pagsasakatuparan ng pambansang kampanya ng KWF para sa estandardisasyon ng wikang Filipino at armonisasyon ng mga wika ng Filipinas gamit ang  Ortograpiyang Pambansa.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Dr. Benjamin Mendillo Jr., Puno ng Sangay ng Salin sa (02) 243-9789, 0932-2333317, o sa pagsasalin101@gmail.com.

Latest

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...
spot_imgspot_img

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5% in the latest 2025 Senate Survey of Tangere. Cong. Erwin Tulfo, achieved high voter preference...

Ant International Unveils its Global Sustainability Initiative ‘AquaViva’, Leveraging Digital Innovations and Ecosystem Partnerships for Marine Conservation

In partnership with Conservation International, AquaViva launches its first project – whale shark conservation in Indonesia SINGAPORE, 18 November 2024 – At the UN Climate...

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...