Inaanyayahan ang publiko na dumalo sa idaraos na taunang Lekturang Norberto L. Romualdez sa 6 Hunyo 2017, 8:00nu–12:00nh sa Awditoryum ng Hukuman ng Apelasyon, Ermita, Maynila. Sa taóng ito, ang tagapanayam ay ang brodkaster na si Howie Severino. Tatalakayin niya ang naging papel ng midya pagpapalaganap ng wikang Filipino.
Ang Lekturang Norberto L. Romualdez ay serye ng lektura na sinimulan noong 2015. Layunin nitong makaipon ng mga intelektuwalisadong panayam hinggil sa araling kultural. Idaraos ito bilang pagpaparangal kayNorberto L. Romualdez—naging Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Filipinas, at bilang mambabatas ay arkitekto ng Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino) na nangasiwa sa pagpili ng Wikang Pambansa.
Bukás ito sa publiko. Walang babayarang rehistrasyon, bagaman limitado ang KWF sa pagtanggap ng unang 30 kalahok. Para sa pagpapatala, tumawag sa 708-6972, 243-9855, 736-2525, hanapin si Pinky Jane Tenmatay o Miriam Cabila. Tatanggap kami ng tawag hanggang 19 Mayo 2017.