Ipinrisinta ng Social Security System (SSS) ang mga planong reporma sa pension program kina Congressmen Prospero Pichay Jr., at Antonio Tinio, mga miyembro ng House of Representatives na aktibong tumatalakay sa mga isyu hinggil sa social security sa isang pulong na ginanap SSS Main Office sa Quezon City kahapon.
Sa pulong na pinangunahan ni SS Commission Chair Dean Amado Valdez, inisa-isa ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc ang tatlong istratehiya ng SSS para paigtingin ang koleksyon, palakihin ang kita sa investment, at pagsulong sa pag-amyenda sa batas ng SSS para makapagbigay ng mas magandang benepisyo.
Nasa sa larawan sina SSC Chairman Valdez (ikatlo mula sa kanan) at PCEO Dooc (gitna) habang ibinibigay ang Certificate of Appreciation kay Congressman Pichay (ikaapat mula sa kanan) at Congressman Tinio (ikalima mula sa kanan) para sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at makabuluhang payo para pag-ibayuhin ang social security program sa pribadong sektor. Dumalo din sa pulong sina (mula sa kanan) EVP Rizaldy Capulong, SS Commissioner Gonzalo Duque, SS Commissioner Jose Garbriel La Viña, SVP Voltaire Agas, SVP Judy Frances See, VP Marissu Bugante at SVP George Ongkeko.
From SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
Edited and Posted by Peter Paul Duran