Inaanyayahan ang mga guro, superbisor, propesor, manunulat at iskolar na dumalo sa Pambansang Kumperensiya sa Wika at Panitikang Bikol na gaganapin sa 5-7 Abril 2017 sa Central Bicol State University of Agriculture, Pili, Camarines Sur.
Sa kumperensiyang ito, tatalakayin ang kasaysayan at estado ng panitikang Bikol, at ang kasalukuyang kalagayan ng mga wika sa Bikol at kung paano ito nagagamit sa Mother Tongue Based-Multi-lingual Education (MTB-MLE). Pangunahin layunin nito na makatutulong sa mga guro sa kanilang paghahanda sa pagtuturo ng panitikan at wika tungo sa mas malalim na pagpapahalaga sa kanilang sariling wika at panitikan, at gayundin, sa mas matibay na pag-unawa sa mahigpit na ugnayan ng wika at panitikang Bikol sa wika at panitikang pambansa; sa mga mananaliksik, sa kanilang patuloy na saliksik kaugnay sa wika at panitikang Bikol; at sa mga manunulat, sa kanilang pagsusuri sa kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng wika at panitikang Bikol upang maging gabay sa reproduksiyon ng kanilang mga akda.
Tampok ang panayam ng mga kilalang iskolar at manunulat na sina Kom. Abdon M. Balde Jr., Dr. Paz Verdades M. Santos, Prop. Kristian Cordero, at mula sa Kagawaran ng Edukasyon na si Bb. Grace U. Rabelas. Magiging panel reaktor naman sina Dr. Stephen Henry S. Totanes, Prop. Rafael Totanes, Dr. Raniela Barbaza, G. Mariano Kilates, G. Jaime Jesus Borlagdan, Prop. Victor Dennis Nierva, Bb. Nemia Cedo, at P. Wilmer Joseph S. Tria.
Para sa iba mga detalye sa rehistrasyon, makipag-ugnayan kay Dr. Lourdes Bascuña, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, CBSUA sa 0918-3667966, ludzbascuna_23@yahoo.com.