Feature Articles:

“Bayan” Nagbigay Babala sa Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbigay babala sa ating Pangulong Rodrigo Duterte, ang grupo ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, dahil sa namumuong samahan nina DoF Secretary Carlos Dominguez, DBM Sec. Benjamin Diokno at si Ernesto Pernia ng NEDA. Ayon sa grupo, taliwas ang patakbo ng mga nabanggit na tagapamahala sa pro-people policies ng administrayon.

image_10-nov-2016_reuters_rodrigo-duterte
President Rodrigo R. Duterte (untvweb.com)

Ang Dominguez-Diokno-Pernia triumvirate ay kontra sa plano ng  palasyo na ipagpatuloy ang SSS pension hike para sa kanilang mga benepisyaryo. Maliban dito plano din ng tatlong tagapamahala na itaas ang excise tax para sa mga produkto ng langis sa bansa at ang pagsalungat sa pagtitigil ng land conversion sa bansa para mapanatili pa din ang dami ng lupang maaring paunlarin sa agrikulturang pamamaraan.

Ang inilibas na pahayag ng BAM, pinagpapatuloy ng mga naiwang tauhan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kanilang neo-liberal na pamamaraan sa paghawak ng economiya ng bansa. Ang ganitong paraan ay kontra-mahihirap at pawang mga mayayamang kapitalista lamang ang makikinabang.

Ayon naman sa isang panayam kay Sec. Diokno, lahat nang pangako ng pangulo ay pawang mga kasinungalingan lamang dala nung siya ay kumakandidato pa lamang, ngayong nahalal na si Duterte bilang pangulo ng bansa, dahil wala naman talagang plano ang pangulo na tuparin ang kanyang mga pangako.

Ayon naman sa BAM, ang mga naiwang secretary ng nakaraang administrayon ay hindi gumagawa ng paraan para makatulong sa presidente, bagkus ay tumataliwas sila sa planong pagbabago sa mga patakaran sa bansa.

Sa huli, hinayag ng grupo na patuloy lamang making sa mga ordinaryong tao ang pangulo at labanan ang mga pro-business at pro-foreign na mga polisiya ng bansa, at ipagpatuloy ang pangakong pro-people reform para agarang masugpo ang krisis pang-ekonomiya. (Charles Arvin E. Dantes)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

spot_imgspot_img

Mataas na presyo, mga pangunahing isyu sa katiwalian para sa mga partylist group, ACT-CIS nangunguna pa rin sa survey -Tangere

Batay sa resulta ng 'non-commissioned' survey ng Tangere, pangunahing isyu at alalahanin na dapat pagtuunan ng mga party list group ay ang pagbaba ng...

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...