Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Makabagong Pamamaraan sa Agrikultura, hatid ng Monsanto Company

 

Inihayag ng Monsanto Company ang isang komprehensibong research and development (R%D) nitong nakaraang taon.

 

BInibigyang diin ng mga pag-aaral na ito ang pangako ng Monsanto Company na pagtulong sa mga lokal na magsasaka sa paggamit ng mga natural resources sa isang mas mabisang pamamaraan. Dito ay tinuturuan ang mga magsasaka kung paanong mas epektibong mapapangalagaan ang kanilang mga pananim at paglaban sa mga iba pang elemento tulad ng mga peste, mga ligaw na damo, at mga pabago-bagong klima.

 

Ayon kay Dr. Robert Fraley, Chief Technology Officer ng Monsanto, kritikal ang papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa pang araw-araw na buhay ng  tao. Nariyan ang patuloy at palaki nang palaking pangangailan ng tao. Kasabay rin nito ay ang pagsasaalang-alang sa pagpreserba sa likas na yaman ng isang bansa.

 

Ayon pa kay Dr. Fraley, ang siyensya ay malaking tulong sa pagdetermina sa mga bagong solusyon na makakatulong sa mga magsasaka.

 

At mula sa pangangailangan ng larangang ito, naglunsad ang Monsanto Company ng mga plataporma para sa sektor ng agrikultura. Ang platapormang ito na magtatagal ng limang taon ay nakatuon sa data science, plant breeding, plant biotechnology, crop protection at agricultural biologicals.

 

Sa ilalim ng mga programang ito, inaasahan na;

 

  1. Mababawasan footprints ng produksyon ng mga agrikultural na produkto.

 

Dahil sa lumalaking populasyon ng mundo, lumalaki rin ang pangangailangan na kailangan nating tugunan. Mula dito, isinusulong ng Mosanto, sa pakikipagtulungan ng Novozymes Company, ang pagpaplano ng mga magsasaka sa kung paano nila magagamit ang mga sakahan sa pinakamainam nitong pamamaraan.

 

Sa pamamagitan ng BioYield platform, tinuturuan ang mga magsasaka kung paanong magagamit ng husto ng mga pananim ang mga nutrisyon mula sa lupa

 

Ang Climate FieldView naman ang tutulong sa mga magsasaka na suriin ang mga iba’t ibang saliksik tulad ng lupa, klima at iba pa. Dito ay nabibigyan ng mas detalyadong impormasyon ang mga magsasaka sa kabuuan ng pananim.

 

  1. Mapangalagaan ang mga pananim sa dumaraming mapaminsalang elemento.

 

Ang mga insekto, damo, mga peste at ang pabago-bagong klima ay hindi na muling magiging perwisyo tuwing buwan ng anihan sa mga magsasaka.

 

Sa pamamagitan ng Seed Applied Solutions- Enhanced Disease Control, mas madali nang pangalagaan ang mga punla mula sa mga impeksyon at sakit lalo na sa mga pinakamahalagang yugto sa paglaki ng halaman.

 

Inihahandog din ng Monsanto Company, katuwang ang Bayer Acceleron, ang iba’t ibang paraan upang madaling mapigilang pagdami ng nakapipinsalang damo at mga peste. Dito rin ay nabibigyan ang mga magsasaka ng kakayahan na unti-unting palitan ang makalumang paraan pagsasaka na nakakabawas naman sa produksyon ng greenhouse gases.

 

  1. Maghatid ng tuloy-tuloy na pag-unlad sa Produksyon ng Agrikultural na produkto.

 

Hindi lamang nakatuon ang Monsanto Company sa pagsugpo ng peste sa mga pananim at mapabuti ang kalidad ng ani ng mga magsasaka, bagkus ay kanila ring isinasaalang-alang ang pag-ibayo sa mga on-farm solutions at mga gawi ng mga magsasaka.

 

Sa pag-aaral ng Agricultural Alliance, ang mga honey bees na nagsisilbing pollinators para sa mga halaman, ay nalalagay sa isang malaking banta dahil sa Varroa Mite. Ang mga mites na ito ay nagdudulot ng pagkaunti ng bilang ng bubuyog at paghina ng produksiyon ng kanilang honey.

 

Sa tulong naman ng seed-applied nematode-control solution ay nagagawang kontrolin ng mga magsasaka ang iba’t ibang species ng nematode, ang pangunahing peste sa mundo ng agrikultura.

 

Sa ngayon ay patuloy ang pagpapaunlad ng mga makabagong ideya at mga imbensyon na makakatulong sa mga magsasaka. Sa pamamagitan nito, mas mataas na ang tiyansa na maiwasan ang isang pandaigdigang krisis sa kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan ng lipunan.

 

Sa pamamagitan ng iba’t ibang agricultural innovation, patuloy na pag-papaunlad sa mga kasanayan ng magsasaka, at pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong sektor, ay inaasahan na makakamit ang tunay na pagbabago na matagal nang hinahangad ng mga magsasaka, at higit sa lahat ay ang sambayanan. (Aljhon A. Amante)

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...