Feature Articles:

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

Duterte para sa Kabataan

“I will stop corruption in government. I have to provide security for the present generation and the coming generation…We protect the children we have to end crime.”

– Pangulong Rodrigo Duterte, 2016.

Tinapos ni Pangulong Duterte ang kanyang closing statement sa pagpapahayag ng kanyang malasakit sa kabataan sa ikalawang Presidential Debate noong Marso 20, 2016 na ginanap sa University of the Philippines Cebu.

Kung matatandaan, sa unang kwarter ng taon, nilabas ni Pangulong Duterte ang isa niyang campaign advertisement na siyang laan para sa kabataan.

Nabanggit niya roon kung paano naiipit ang mga bata o kabataan sa gulo – kurapsyon o droga – na dala ng bansa. Nasabi rin niya ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng mga kabataang namumulat sa kahirapan at karahasan. Tila maririnig sa boses ng pangulo na nasasaktan siya sa mga nanyayari sa kasalukuyan.

Sa kabilang banda, hindi nga ba ay nabanggit rin ni Dr. Jose P. Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan?” Ngunit paano ba makakamit ito ng mga kabataan kung sa kanilang kamusmusan pa lamang ay ipinagkakait na sa kanila ang mga karapatan na dapat nilang nakakamtan? Paano sila magkakaroon ng maayos na pamumuhay kung karahasan, kurapsyon at patuloy na paglaganap na paggamit ng droga ang namamayani sa ating bansa?

Kung babalikan ang kanyang sinabi sa kanyang closing statement, makikita na sa bawat sa katagang binibitawan ng pangulo ang paninindigan niyang sagipin ang kasalukuyan at susunod na henerasyon mula sa makamundong kasamaan.

Kung titingnan naman ang kanyang patuloy na pamumuno matapos ang kanyang pagkapanalo mula sa umuulang boto galing sa sambayanang Pilipino, marami-rami na rin ang nagagawa ng pangulo sa loob ng anim na buwan.

Sa kanyang sariling talk show sa DZXL 558, kasama si Bb. Cathy Cruz, sinabi ni dating-Undersecretary ng Department of Education na si Propesor Butch Valdes na ang maganda sa pangulo ay ang kakayahan nito na gawin nang sabay-sabay ang kanyang mga tungkulin para sa bansa.

Ayon naman kay Cruz, ang maganda naman raw sa Pangulong Duterte ay ang pagiging iba nito sa mga nakaraang pinuno ng bansa at mga administrasyon.

Aniya, “Si Duterte, galing sa puso lagi ang pananalita, laging bukambibig nito na mahalaga sa kanya ang kapakanan ng susunod n henerasyon, na bawat kataga ang mula sa puso at isip niya. Sino ba sa mga naging lider ng ating bansa ang marubdub na nagbibitiw ng salita na handa niyang ibuwis ang buhay at posisyon magawa lamang ang tama para sa bayan? Isa man sa kanila ay wala.”

Ngunit kasama ng kasalukuyang administrasyon, ng buong pamahalaan, marami-rami pa ang dapat patunayan ng pangulo. Sa tulong ng sambayanang Pilipino, matutupad ang mga adhikain at layuning nakalatag na siyang magpapaunlad sa bansa.

Kagaya ng paanyaya nina Valdes at Cruz, inaasahan ng pangulo na sa tulong ng mga Pilipino, makakamtan ang mga adhikaing ito upang bumuo ng magandang kinabukasan para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Para sa iba pang talakayan nina Valdes at Cruz, maaaring mapakinggan ang kanilang mga balitaktakan sa Ang Katipunan, 7:15 n.g. – 9:00 n.g. tuwing Linggo sa DZXL 558. (Alicia Angelica L. Villanueva)

Latest

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

USPTO recognizes IPOPHL’s growing influence in Asia Pacific

The United States Patent and Trademark Office (USPTO) has...
spot_imgspot_img

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a spotlight on the country’s increased enforcement against counterfeit goods and its strategic collaborative work to...