Ipinagdiwang ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) ang ika- 50 taon nitong anibersaryo noong ika- 24 hanggang ika- 25 ng Nobyembre sa SEARCA Headquarters sa Los Baños, Laguna.
Naging makabuluhan ang nasabing selebrasyon nang bigyang pagkilala ng institusyon ang mga natatangi nitong alumni.
Sa pagbati ni Dr. Gil C. Saguigit, Jr., kasalukuyang direktor ng SEARCA, nabanggit niya na ang mga pagkilala ay kumakatawan sa pagpupunyagi ng institusyon na makapag- produce ng mga dekalidad na propesyunal sa larangan ng agrikultura.
13 indibidwal ang ginawaran ng Outstanding SEARCA Scholarship Alumni (OSSA) Award para sa kanilang natatanging ambag sa pagpapaunlad ng pook- rural.
Ang mga nagantimpalaan ay nagbuhat pa mula sa iba’t- ibang sulok ng rehiyon na kaanib sa SEARCA gaya ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor- Leste, Vietnam at Pilipinas.
Ang mga sumusunod ay ginawaran ng OSSA Award:
Edukasyon:
Dr. Naomi G. Tangonan ( Philippines)
Pagsasaliksik
Dr. Klanarong Sriroth (Thailand)
Dr. Phan Hieu Hien (Vietnam)
Prof. Dr. Mahiran Binti Basri ( Malaysia)
Adbokasiya
Prof. Dr. Ir. Mochammad Maksum (Indonesia)
Dr. Lucrecio L. Rebugio (Pilipinas)
Dr. Generoso G. Octavio (Pilipinas)
Pamumuno
Prof. Dr. Musliar Kasim ( Indonesia)
Dr. Segfredo R. Serrano (Pilipinas)
Dr. Delfin J. Ganapin, Jr. ( Pilipinas)
Dr. Chya Suthiwanith (Thailand)
Dalawang Asyano din ang hinirang na Emerging Leaders in Transition Economies (ELITE) Award.
Sila ay sina Dr. Seng Mom ng Cambodia at si Agustinho Da Costa Ximenes ng Timor- Leste na tumayong mga ambassador ng agrikultura at pangkaunlarang rural sa kani- kanilang bansa.
At ang pinaka- prestihiyoso sa lahat, ang ika- limang tropeyo ng Dioscoro Umali Achievement Award in Agricultural Development ay nakuha ni Mr. Tin Htut Oo, isang ekonomista mula sa Myanmar na syang nagpasimula ng liberalisasyon sa agrikultura at ang nagpasibol ng agribusiness sa kanyang bansa.
Ibinahagi nya sa kanyang lektura na ang paglahok ng mga magsasaka sa negosyo ay higit na epektibong solusyon sa pagpapaunlad ng agrikultura.
Ang mga pinarangalan ay pawang mga dating iskolar na pinondohan ng SEARCA at sinuportahan sa kanilang mga adhikang agrikultural. (Ace Palaganas)