Nagtalaga ng mga bagong ruta na puwedeng daanan sa darating na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 25 (Lunes) ang Quezon City Public Order and Safety (DPOS).
Tinukoy ng DPOS ang Mindanao Avenue via Quirino Highway o Sauyo Road bilang isa sa mga alternatibong daan kung patungong Fairview at ang Tumana-Balara Road kung papuntang Marikina, Montalban at San Mateo.
Makikipag-unayan ang DPOS sa QC Police District-Traffic Enforcement Unit (QCPD-DTEU) upang maisaayos ang traffic management plan sa SONA ni Pangulong Duterte.
Base sa traffic deployment report ng DPOS, may kabuuang 411 traffic personnel ang magbibigay ng traffic assistance sa mga motorista simula 4:00 ng umaga hanggang sa matapos ang SONA ng Pangulo.
Tutulungan naman ang mga traffic enforcer ng pulis at traffic management force ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Pagtatalaga rin ng rescue team ang DPOS upang umalalay kung may mangyayaring emergency na mangangailangan ng medical assistance.
Inaatasan naman ang mga barangay public safety officer (BPSOs) na mangalaga sa trapiko sa mga secondary at inner street sa QC. # (ARES P. GUTIERREZ, Chief, PAISO)