Ipinahayag kamakailan ng DAR o Department of Agrarian Reform na LAD-Free na o tapos na ang land acquisition and distribution program o LAD ng buong lalawigan ng Catanduanes.
Sa isinagawang pormal na deklarasyon, masayang iniabot ni DAR Regional Director Luis B. Bueno Jr. ang nilagdaan nitong LAD-Free Certification kay Provincial Agrarian Reform Program Officer o PARPO Alexander T. Teves kasama si Assistant Regional Director for Operations Samuel Solomero.
Sinabi ni PARPO Teves na may kabuuang labinlimang libo at labing-apat punto limang-libo siyam na raan at pitumpung (15,014.5970) ektaryang sakahan ang naipamahagi sa sampung libo’t dalawandaan at pitumpung (10,270) magsasakang benepisyaryo sa naturang lalawigan.
Lubos namang nagkaisa sa pangako ang mga magsasakang benepisyaryo na patuloy na gawing produktibo ang mga lupang naipamahagi sa kanila. # (jnormt/Public Assistance and Media Relations Service, Department of Agrarian Reform)