PAGKALIPAS ng 45 taon ng pagnenegosyo ng Monsanto sa Pilipinas sa wakas ay may itinalagang Pilipina upang mamuno sa kilalang kumpanya sa buong mundo.
Ayon kay Chat Ocampo, Monsanto Corporate Engagement Lead na isang malaking panalo sa mga kababaihang Pilipino ang pagtatalaga kay Rachel P. Lomibao na dating Marketing Lead ng nasabing kumpanya.
Aniya, isang katibayan ito na ang Monsanto ay naniniwala sa galing ng isang babaeng Pilipino at nagbibigay ng pantay pagkakataon sa lahat upang maitaas ang antas ng kanilang posisyon lalaki man o babae.
Ang bagong talagang Country Lead ng Monsanto sa bansa ay nagtapos ng Bachelors degree in Communication sa Unibersidad ng Pilipinas at natapos ang Masters degree in Business Administration sa Ateneo Graduate School of Business.
Si Lomibao ay tubong Pangasinan, isang magsasaka at naging kabilang din ng samahan ng Philippine Science Journalist National.
Layunin ni Lomibao na paigtingin pa ang paggamit ng siyensya at teknolohiya sa pagsasaka upang maitaas ang antas ng kalidad ng pamumuhay ng magsasaka at matiyak na may pagkaing maihahapag sa lamesa ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng produktong Bt Corn ng Monsanto sa magsasakang Pilipino.
Itinalaga si Rachel Lomibao nang tinanggap ni Sandro Rissi ang kanyang bagong tungkulin sa Monsanto bilang South America Corn Business Lead na nakabase sa Brazil na bayang sinilangan ng huli na isang Agronomist.# (Cathy Cruz)