PATULOY na ginagampanan ng Department of Agrarian Reform ang kanilang mandato ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa. Isa na dito ang mga magsasaka ng munisipalidad ng Palimbag sa Sultan Kudarat ang pinagkalooban ng mahigit 3 libong ektaryang lupang sakahan.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer I (PARPO I) Pabil Marohomsalic, ang mahigit isang libong magsasaka ay mula sa Barangay Batang Bagras na nakatanggap ng CLOA.
Bukod umano sa mga ipinagkaloob na lupa, nagkaloob din ang DAR ng pangkabuhayang proyekto, farm-to-market roads, at iba’t-ibang kasanayan upang mapataas ang ani ng kanilang mga produkto.
Samantala, nitong nagdaang katapusan ng Nobyembre, mahigit sa 15 libong farmer-beneficiaries ng DAR ang pinagkalooban din ng lupang sakahan na may kabuuang halos 41 libong ektarya ayon Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO II) Rodolfo Alburo.
Denekrala naman ang ang ika-17 na bubuhusan din ng tulong ng DAR ang Barangay Batang Bangras na isang special agrarian reform community (ARC).
Pinapurihan naman ni Administrator Zahara Maulana, representate ni Mayor Abubacar Maulana ang mga opisyal ng DAR dahil magdudulot umano ito ng kapayapaan sa kanilang lugar dahil sa mapapataas nito ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga kababayan sa nasabing munisipalidad.
Inaasahan naman ng mga opisyal ng DAR particular si PARPO I Marohomsalic na pangangalagaan ang ipinagkaloob na lupang sakahan ng gobyerno ng mga magsasaka at pagyamanin upang paunlarin ang kanilang buhay, hindi ang ibenta sa mga negosyante. Cathy Cruz