Sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at Quezon City Mayor Herbert M. Bautista ay pumirma sa isang kasunduan ukol sa paglalabas ng isang daang milyong piso (100,000,000) galing sa pambansang gobyerno na magsisilbing seed money upang suportahan ang socialized housing project sa lugar, isa na ang pagpapatayo ng isang 3-storey walk up residences para sa mga biktima ng sunog sa Sitio Kaingin Bukid, Barangay Apolonio Samson noong January 1. Ayon sa DILG, nasa 57 milyong piso ang makukuha galing sa Php 100,000,000 fund upang pondohan ang pagbuo ng mga bahay para sa apat na libong (4,000) pamilya na naapektuhan ng sunog. Ang pagsasalin ng pondo sa Q.C. government ay nakabase sa criteria at requirements ng Memorandum Circular no. 2015-56 sa mga guidelines sa pagpapatupad ng DILG Micro-Medium Rise Building (MMRB) project ng mga Local Government Units (LGUs). Nakapaloob sa kasunduan na ang lugar ay responsible sa pagpaplano, pagpapatayo at ang lahat ng pagpapatupad para sa proyekto. Bilang ito ay isang flagship project ng administrasyong Bautista ang Q.C government ay ipinatupad ang on-site in city housing projects upang magsilbi hindi lamang decent shelter para sa mga mahihirap ngunit para rin mapalayo ang mga pamilya sa mga delikadong lugar. Secretary Tadeo Palma, Head ng Q.C Socialized Housing Task Force, nabanggit niya na ang lugar ay umaasang makapagtayo ng 5,000 kabahayan sa pamamagitan ng Bistekville Housing Project. Ang mga 1,500 unit ay nai-award na. Ang Q.C Socialized Housing Program ay nabanggit sa 2014 Galing Pook Award at nasabing “its creative solutions to fund its socialized housing program that is affordable and does not displace the poor, while addressing urban light.”
Sa ngayon ang Supreme court ay nagdaos ng Q.C’s Socialized Housing Tax (SHT), na kung saan tumutulong na suportahan ang housing program ng lugar. Ang SHT ay nasa ilalim ng ordinace SP-2095 noong 2011, base sa mandato na ibinigay ng mga matataas na urbanized cities sa ilalalim ng Republic Act 7279 o ang Urban Development and Housing Act of 1992. Ang SHT ay isang special assessment o 0.5% ng assessed value ng lupa sa sobrang Php100, 000. Ang SHT ay maaaring bayaran ng hanggang 5 taon. Mayroon itong tax credit feature, na nagsasabing ang mga nagbabayad ng buwis na binabayaran ang buwis ng buo nang 5 taon, ito ay magsisimulang ibalik ang SHT na kanilang binayaran, sa mga uri ng tax credits, magsismula sa ika-anim na taon. Nakita sa QC Risk Atlas project na ang Sitio Kaingin Bukid na ito ay isang no-building zone dahil ito ay isang mababang lugar at bahaing lugar, ang lugar para sa housing project sa Sitio Kaingin Bukid ay magkakaroon ng ga sariling pond na maaaring magtago ng tubig baha habang ang isang six-meter (6m) retaining wall na itatayo sa kahabaan ng San Francisco riverbank, na magiging patayuan at mabuhay na komunidad. “The release of the fund is just one of the many tasks ahead,” sabi ni Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte (6th District). “We tried to come up with innovative solutions to urban poor housing giving primacy to on-site, in-city development to minimize, if not eradicate social and economic cost of relocation.” Ayon sa DILG, proposed shelter plan para sa in-city development apektadong pamilya na ipresinta sa mga organisasyon tulad ng Kababaihang Yumayabong Tungo sa Kagalingan Inc. (KAYUMANGGI Inc.), Samahang Magkakapitbahay ng Tabing Ilog (SAMAKABUTI) at ang Samahang Magkakapitbahay ng Kaingin Bukid (SAMAKABI). Ang plano ng mga tao ay inindorso ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) at Philippine Commission for the Urban Poor (PCUP).
Ayon sa DILG na ang on-site housing project ay layunin na ilayo ang mga pamilya sa mga delikadong lugar nang hindi sila nalalayo sa kanilang hanap-buhay. Ang DPWH ay inaasahang makabubuo ng mga imprastraktura, lalong lano na ang pond at retaining wall. Ang NHA ay responsible sa relokasyon ng biktima sa sunog. Ang opisyal na master list ay ipinasa na ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) at ng Social Services Development Department (SSDD) sa National Housing Authority (NHA) na magiging basis ng mga biktima ng sunog. Ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ay magsisilbing lead agency sa social preparation. Ang PCUP ang responsible sa social preparation sa on-site IFSs, at ang SHFC ang mag-susuporta sa halaga ng pagpapatayo. Ang DILG ay dinagdagan ang proyekto upang solusyunan ang mga suliranin sa pabahay maging sa pagbaha. Lynne Pingoy