Ang Department of Agrarian Reform ay nagbigay kamakailan lang ng siyam na unit ng Massey Ferguson 90 horse-powered four-wheeled tractors na nagkakahalaga ng 26.5 M upang mapalakas ang produksyon ng agricultural products at mapataas ang kita ng agrarian reform beneficiaries organization o ARBO sa probinsya ng Occidental Mindoro at Palawan.
Kabilang sa mga organisasyong tumanggap nito ay ang Alacaak Development Cooperative (ALDECO), San Carlos Multipurpose Cooperative (SACAMUCO), Tuban Blessed Farmers Multipurpose Cooperative (TUBFARMCO), Purnaga Farmers Association (PFA), Tagumpay ng Curanta Free Farmers Cooperative (TACUFFC) at Mamburao Multipurpose Cooperative (MAMUPCO) sa Occidental Mindoro Lapu-Lapu Multi-Purpose Cooperative sa Palawan
Binigyang diin din ni Director Erlinda Pearl V. Amanda ang kahalagahan ng pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga karaniwang pasilidad at hinikayat ang mga miyembro na tiyaking palaging nasa maayos na kondisyon ang mga traktora.
“Sa tulong ng mga bagong kagamitang ito ay inaasahang magiging mas mataas ang ating kita, kung kaya’t siguruhin na gamitin ito ng maayos upang makamit ang mas magandang resulta.”
“Sa wakas ay tapos na ang matagal naming paghihintay, ang pagibigay ng mga traktor na ito ay napapanahon lamang para sa preparasyon ng lupa” sabi ni PARPO Luisito A. Jacinto ng Occidental Mindoro.
Ipinahayag ni PARPO Conrado S. Guevarra ng Palawan na ang paghahatid at pagbibigay ng traktor ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalaki ng produksyon ng benepisyaryong ARBOs. Ito ay tungo sa isang mas mahusay na kalidad ng buhay.
Buong kasiyahan at pasasalamat na tinanggap ng ARBOs ang mga makinaryang ito.
(Edrillan Pasion)