Feature Articles:

SSS, kinilala bilang Top Government E-payment Partner

Ginawaran ng pagkilala ng isang online banking payment system ang Social Security System (SSS) bilang “Top Government e-Payment Partner” matapos itong makapagtala ng pinakamataas na bilang ng transaksyon gamit ang electronic payment.

Ayon sa BancNet, umabot sa P8 bilyong member contributions ang nakolekta ng SSS mula sa kanilang electronic payment (e-payment) system noong 2014.

Umabot sa 523,092 ang bilang ng mga empleyadong ipinagbayad ng kontribusyon ng kanilang employer at 691,914 loan repayments ng mga empleyado ang binayaran sa pamamagitan ng e-payment. Gayundin, 57,643 self-employed at voluntary members ng SSS ang nagbayad ng kanilang buwanang kontribusyon gamit ang BancNet.

“Sinasabayan namin ang mga makabagong teknolohiya para bumilis ang transaksyon sa SSS.  Kapag nagbayad sa BancNet on-line facility, naipo-post ang kanilang ibinayad sa loob lamang ng 24 oras kaya maginhawa talaga ang paggamit nito,” sabi ni SSS Senior Vice President Judy Frances A. See ng Account Management Group at Concurrent Head ng International Operations Division. Aniya,

Kadalasang gumagamit din ng e-payment services ang mga self-employed professionals tulad ng mga doktor at abogado, at pati mga miyembro ng Informal Sector Groups tulad ng mga mangingisda at magsasaka gayundin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

“Hangarin ng SSS na mabigyan ang mga miyembro nito ng maraming options sa pagbabayad ng kanilang kontribusyon. Maliban sa BancNet on-line facility, maaari din silang magbayad sa mga tellering services sa mga piling SSS branch offices at accredited commercial banks,” dagdag ni See.

Ang SSS ang kauna-unahang ahensya ng gobyerno na gumamit ng BancNet e-payment facility dahil ang mga transaksyon nito ay agad naipo-post sa loob lamang ng 24-oras.

                                 

Posted By: Edrillan Pasion

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

spot_imgspot_img

Mataas na presyo, mga pangunahing isyu sa katiwalian para sa mga partylist group, ACT-CIS nangunguna pa rin sa survey -Tangere

Batay sa resulta ng 'non-commissioned' survey ng Tangere, pangunahing isyu at alalahanin na dapat pagtuunan ng mga party list group ay ang pagbaba ng...

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...