Feature Articles:

PRESYONG RETAIL

Ngayong araw ng Lunes, ika-3 ng Agosto 2015, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 na pamilihan sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market, Viajero Market, Muntinlupa Public Market, Pasay Public Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Commonwealth Market, Mega Q Mart, Muñoz Market, Tandang Sora Market at New Arayat Market sa Quezon City, New Dagonoy Market sa Manila, Polo Market sa Valenzuela at sa Mandaluyong Public Market.

Ang karne tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P170.00 hanggang P190.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa Marikina market zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P180.00 hanggang P210.00. Ang pinakamura ay mabibili sa Marikina market zone.

Ang fully dressed chicken ay nagkakahalaga ng P120.00 hanggang P145.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa Marikina market zone.

Samantala ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa halagang P4.50 kada piraso sa Munoz market.

Sa isda naman ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P110.00 hanggang P140.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P85.00 hanggang P120.00 kada kilo.

Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Mega Q mart at New Arayat market samantalang ang murang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Pasay Pubic Market at sa Marikina market zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P70.00 hanggang P100.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P110.00 hanggang P160.00 kada kilo.   Ang carrots ay mabibili sa halagang P60.00 hanggang P100.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P45.00 hanggang P80.00 kada kilo at ang talong naman ay mabibili sa halagang P60.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang imported na bawang ay mabibili sa halagang P75.00 hanggang P100.00 kada kilo samantalang ang presyo ng luya ay mabibili sa halagang P100.00 hanggang P180.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P70.00 per kilo sa sa Viajero Market gayundin ang cabbage scorpio na mabibili sa halagang P110.00 kada kilo sa New Dagonoy Market at sa Polo Market. Ang carrots na nagkakahalaga ng P60.00 ay mabibili sa Marikina Market Zone. Ang kamatis na halagang P40.00 kada kilo at sa pulang sibuyas P45.00 kada kilo ay mabibiling mura sa Viajero Market, samantalang ang  talong na P60.00 kada kilo ay mabibiling mura  sa Marikina Market Zone, Viajero Market at sa Pasig City Mega Market. Ang imported na bawang na nagkakahalaga ng P75.00 kada kilo at ang presyo ng luya na P100.00 kada kilo ay mabibiling mura sa Viajero Market.

Ang mga piling prutas gaya ng lakatan ay nagkakahalaga ng P48.00 hanggang P60.00 kada kilo ay mabibiling mura sa Marikina market zone. Ang latundan na P35.00 hanggang P50.00 kada kilo ay mabibiling mura sa Muntinlupa market samantalang ang murang presyo ng calamansi na nagkakahalaga ng P35.00 hanggang P70.00 kada kilo ay mabibiling mura sa Pasig City mega market at Marikina market zone. (As monitored by DA-AMAS)

NONIELYN PINGOY2Posted By: Lynne Pingoy

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

LTFRB, Sinuspinde ang operasyon ng UV Express na sangkot sa malagim na pag-araro ng mga motor sa Quezon City; Isang Patay, 14 Sugatan

Mahigpit na sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory...

Fraternal Order of Eagles Philippines Establishes Landmark Appointments Commission

In a historic move aimed at reinforcing its core...

Eagles Relief Drive in Masbate Distributes 1,294 Packs

The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles (FOE-PE) distributed...
spot_imgspot_img

LTFRB, Sinuspinde ang operasyon ng UV Express na sangkot sa malagim na pag-araro ng mga motor sa Quezon City; Isang Patay, 14 Sugatan

Mahigpit na sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng isang UV Express na sangkot sa isang nakamatay at sunud-sunod...

Fraternal Order of Eagles Philippines Establishes Landmark Appointments Commission

In a historic move aimed at reinforcing its core values, the Fraternal Order of Eagles (TFOE) in the Philippines has announced the creation of...

Sa Araw ng Pagkain ng Mundo, binatikos ng Oceana ang plano ng gobyerno na buksan ang Munisipal na Katubigan sa malalaking mangingisda

Sa pagdiriwang ng World Food Day o Araw ng Pagkain ng Mundo, tinutulan ng marine conservation group na Oceana ang isang panukala ng pamahalaan...