Ang Department of Agriculture ay hinikayat ang patuloy na produksyon at paggamit ng organic fertilizers para magkaroon ng tiwala sa sarili ang mga magsasaka ayon sa pag-aaral ng Bureau of Soils and Water Management.
Sabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na ang organic fertilizer ay mas affordable kaysa sa inorganic fertilizer. “We will be able to increase yield and minimize the harmful effect of the improper use of inorganic fertilizers to soil and water resources,” saad ni Alcala. “We strongly support organic-based agriculture as embodied in Rep. Act No. 10068, or the Organic Agriculture Act of 2010,” dagdag pa niya.
Ayon sa kalihim, nakakabuti ang organic fertilizers sa improvement ng soil tilth and structure. Nakakadagdag din sila ng water-holding capacity at kilala rin sa improve ng magandang lupa.
Ang gamit ng organic fertilizer ay consistent with responsible land stewardship at sinisiguro nito na produktibo ito para sa marami pang henerasyon.
Sa ilalim ng termino ni Alcala, umangat ng 516% ang organic na produksyon noong 2011 hanggang 2014.
Sa ilalim ng batas, ang kagawaran ay naglaan ng dalawang porsyento (2%) para sa badyet sa organic fertilizer.
Sinabi ni DA-Bureau of Soils and Water Management (BSWM) Director Silvino Tejada, ang source ng nutrients ng mga organic fertilizer ay ang mga animal byproducts and excreta, green manure, crop residues, household organic wastes o ang prinosesong produkto galing compost na materyales. (DA-OSEC)
Posted by: Lynne Pingoy