Simula sa Agosto 1, ang mga kustomer ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ay maari nang kumontak sa mga customer service agent ng kumpaniya sa pamamagitan ng SMS (short message service) at ng mga social media channel na Facebook and Twitter.
Karagdagan itong paraan para mas mapadali ang pakikipag-ugnayan sa Maynilad bukod sa kanilang customer service Hotline 1626 at corporate website (www.mayniladwater.com.ph).
Ang mga katanungan sa mga serbisyo ng Maynilad (billing concerns, service interruption, application requirements, septic tank desludging) at mga report ng pipe leak o iligal na koneksyon at iba pang mga concern, ay maari nang i-text sa Maynilad sa pamamagitan ng Text Hotline 0998-864-1446. Para sa serbisyong ito, I-text lamang ang MAYNILAD <space> 8-digit Contract Account Number> <space> Complete Name <space> Message.
Maari ring iparating ng mga customer ng Maynilad ang kanilang mga concern sa official social media account ng Maynillad sa Facebook (www.facebook.com/MayniladWater) at Twitter (@maynilad). Mababasa rin sa mga nasabing social media account ang mga update at balita tungkol sa Maynilad.
Ayon sa Presidente at CEO ng Maynilad na si Ricky P. Vargas, “Part of our effort to improve services to our almost 9 million customers is to ensure that we are more accessible to them. With these new customer touchpoints, we hope to become more responsive to their concerns.”
Ang Maynilad ay ahente at kontratista ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa West Zone ng Greater Manila Area. Kasama sa West Zone ang mga lungsod ng Maynila (certain areas), Quezon City (ilang bahagi), Makati (ilang bahagi), Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon—sa Metro Manila; lungsod ng Cavite, Bacoor and Imus, at bayan ng Kawit, Noveleta at Rosario—sa Cavite Province.
Posted By: Edrillan Pasion