Kanina lamang ay ginanap ang graduation exercises walongpu’t siyam (89) na guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan dito sa Quezon City na nagsipagtapos ng Animation and Programming sa Korea-Philippines Information Technology Training Center (KPITTC) para sa pagsasakatuparan ng 2016 K-12 / Senior High School Program.
Ginanap ang training ng mga guro noong April-May ngayong taon. Ang mga guro lamang na nagtuturo ng IT ang napiling ipadala ng Division Office para umaten sa nasabing IT training. Ang itinuturo sa seminar ay mula sa basic hanggang sa most-complicated. Ang tinuro sa mga IT teacher ay Animation. At ang mga nagtuturo sa kanila ay talagang nagtuturo ng Animation at nagtatrabaho din bilang mga Animator kaya alam nila ang mga preliminaries at ginagawa talaga ng mga Animator.
“Actually hindi naman siya computer eh, it’s more on drawings about a characters, how you will be able to work on a character na nagmo-move.” Sabi ng isa sa mga grumadwayt kanina.
Ang pagtetraining ng mga guro ay walang bayad, sagot lahat ng Division Office kasama ang Quezon City Government.
Nagpasalamat si Vice Mayor Joy Belmonte sa mga tao, sector ng gobyerno, pampubliko at pribadong ahensya na sumusuporta at naging dahilan o naging daan sa pagkakasakatuparan ng KPITTC. (Lynne Pingoy)