Kabilang na ang Nanox Philippines, Inc. sa mga kabalikat ng Clark Water sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng mahigit na 8,000 puno hanggang taong 2020. Sa pamamagitan ng isang katatapos na treeplanting activity, 100 halaman ng mahogany ang itinanim ng dalawang kumpanya sa isang used water facility ng Clark Water.
Sa kasalukuyan, higit sa 1,000 puno na ang naitanim ng Clark Water sa 27-hektaryang pasilidad, patunay sa pagpapahalaga ng Clark Water sa pangangalaga sa kalikasan. Ang isinagawang pagtatanim ng dalawang kumpanya ay pangalawa pa lamang sa mga nakatakdang aktibidad na isasagawa sa taong ito.
Ang Clark Water ay ang sangay ng Manila Water Philippine Ventures na nagbibigay ng serbisyong patubig at gamit na tubig sa Clark Freeport at Clark Special Economic Zone.
Posted by: Freda Migano