Department of Agriculture
AGRIBUSINESS AND MARKETING ASSISTANCE SERVICE
Presyong Retail
July 31, 2015
Ngayong araw ng Biyernes, ika-31 ng Hulyo 2015, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 na pamilihan sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market, Viajero Market, Muntinlupa Public Market, Pasay Public Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Commonwealth Market, Mega Q Mart, Muñoz Market, Tandang Sora Market at New Arayat Market sa Quezon City, New Dagonoy Market sa Manila, Polo Market sa Valenzuela at sa Mandaluyong Public Market.
Ang karne tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P180.00 hanggang P190.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa Commonwealth market.
Ang liempo naman ay mabibili ng P190.00 hanggang P210.00. Ang pinakamura ay mabibili sa Commonwealth market.
Ang fully dressed chicken ay nagkakahalaga ng P130.00 hanggang P145.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa Pasig City mega market, Muntinlupa public market at Commonwealth market.
Samantala ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa halagang P4.25 kada piraso sa Commonwealth Market.
Sa isda naman ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P110.00 hanggang P140.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P85.00 hanggang P110.00 kada kilo.
Ang murang bangus (medium) ay mabibili sa Mega Q mart at New Arayat market samantalang ang murang tilapia ay mabibili sa Pasig city mega market at Pasay public market.
Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P60.00 hanggang P100.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P90.00 hanggang P120.00 kada kilo. Ang carrots ay mabibili sa halagang P50.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P45.00 hanggang P80.00 kada kilo at ang talong naman ay mabibili sa halagang P55.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang imported na bawang ay mabibili sa halagang P75.00 hanggang P100.00 kada kilo samantalang ang presyo ng luya ay mabibili sa halagang P110.00 hanggang P180.00 kada kilo.
Mabibiling mura ang gulay tulad ng carrots na P50.00 kada kilo, Pulang Sibuyas na P45.00 kada kilo, imported na bawang na P75.00 kada kilo at luya na nagkakahalagang P110.00 per kilo na mabibili sa Viajero market gayundin ang talong na P55.00/kg ay mabibili sa Pasig mega market, at Viajero market. Ang cabbage scorpio na nagkakahalagang P90.00 kada kilo ay mabibili sa Pasig City mega market, Viajero market at Polo market. Ang kamatis na P40.00 kada kilo at ampalaya na P60.00 kada kilo ay mabibili sa Viajero market at New Dagonoy market.
Ang mga piling prutas gaya ng lakatan ay nagkakahalaga ng P50.00 hanggang P60.00 kada kilo ay mabibiling mura sa Pasay public market, Muntinlupa market, Mega Q mart, New Arayat market, Polo market at Mandaluyong market. Ang latundan na P30.00 hanggang P45.00 kada kilo ay mabibiling mura sa Polo market samantalang ang murang presyo ng calamansi na nagkakahalaga ng P40.00 hanggang P80.00 kada kilo ay mabibiling mura sa Pasig City mega market, Muntinlupa market at Pasay market.# # # (As monitored by DA-AMAS, tel nos.02- 920-2216;926-8203)