Sa inilunsad na 1st Central Luzon Gamefowl Expo sa San Fernando, Pampanga noong July 29-30, 2015, hatid ng B-Meg (sa ilalim ng San Miguel Corporation) ang mga de-kalidad nilang produkto na makakatulong para sa magandang pagpapalaki at pagpapalahi ng mga alagang manok.
Sa expo na ito, ipinakikilala ng B-Meg at San Miguel Animal Health Care Experts ang kanilang mga bagong produktong veterinary medicines at supplements especially formulated para sa mga panabong na manok na nakakatulong sa pagagamot ng kanilang mga sakit at sa pagpuno ng iba pang kailangang nutrisyon ng kanilang katawan.
Ang mga produktong ito ay ang B-Meg Integra Multimax, Electromax at Trimax.
Ang B-Meg Integra Multimax ay isang water soluble powder multivitamins na nagbibigay pang-araw-araw na suplay ng bitamina, minerals at amino acid na nakatutulong sa pagpapanatili ng magandang kalusugan ng mga alagang manok. Nakakatulong din ito sa pagpapalakas ng resistensya laban sa mga sakit.
Ang B-Meg Integra Electromax naman ay nakatutulong para sa rapid correction ng mga nawalang electrolytes at iwas dehydration. Tamang-tama naman ito dahil sa mainit na kalagayan ng ating panahon. Epektibo rin ito bilang anti-stress supplement para sa sa alagang manok.
At ang pang-huli ay ang B-Meg Integra Trimax. Ito ay isang water soluble anti-biotic na epektibo sa paglaban sa bacterial infections at sa paggamot ng mga sakit ng mga manok gaya ng coryza at fowl cholera.
Kasama rin ang kanilang produkto na B-Meg Integra Power Molt w/ Better Shine Technology na nakakatulong sa mabilis na paglulugon ng mga manok. Sa tulong ng B-Meg, mula sa 7 buwan ay aabot na lamang sa 4½ buwan ang molting season ng mga manok mas mabilis kumpara sa iba. Dinagdagan pa ito ng formula na nagbibigay ng malago at makikintab na bagong tubong balahibo ng mga alagang manok. Ani ni Edwin Garde, Gamefowl Especialist ng Pampanga, subok at walang side effects ang produktong ito ng B-Meg na maaring makakapagpahirap sa mga manok.
Gawa sa mga de-kalidad na sangkap, ang mga produktong ito ng B-Meg ay garantisado ng mga kilalang gamefowl breeders at miyembro ng Team B-Meg Integra gaya nina Edwin Aranez at Raffy Campos ng Red Gamefarm at Marlon Escolin ng San Francisco Gamefarm. Sa pahayag ni Kenneth Ong, one of the B-Meg Representatives, sinisiguro ng Team B-Meg ang kalidad ng kanilang mga produkto upang masiguro na epektibo ito sa mga alagang manok panabong.
Ang programang ito ng B-Meg ay dinaluhan ng iba’t-ibang renowned gamefowl enthusiast at breeders na magbibigay ng seminar para makakuha ng mga tips at best practices ang mga nag-aalaga rin ng manok sa kanilang tahanan. Marami pang aktibidad ang inihanda ng B-Meg para sa lahat ng dadalo sa nasabing event. (Freda Migano)