Nitong nakaraang Hunyo ay opisyal ng inanunsyo ng PAG-ASA ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.
Sa ikatlong bahagi naman ng taon ay makakaranas ng El Niño ang bansa, kaya ngayon palang ay pinag-uusapan na ang magiging irigasyon ng tubig sa mga palayan na lubhang maapektuhan ng tag-tuyot. Dahil ang tag-tuyot ay nagiging sanhi ng kakulangan ng tubig sa irigasyon, hydropower, agrikultura at pangangailangang pang-industriya at pambahay. Ang Moderate El Niño ay malapit sa tropical Pacific Ocean. Nagkakaroon ng El Niño ng dahil sa Climate Change at pagbaba ng temperature.
Bumamaba na sa kritikal na lebel ang mga dam sa Luzon ng dahil sa El Niño, kaya ang ilang magsasaka ay mamomroblema sa magiging patubig nila sa kanilang sakahan. Kapag nagpatuloy pa ang pagbaba ng lebel ng tubig, maraming magsasaka ang mahihirapan sa patubig para sa kanilang sakahan. Ngayon pa lang ay pinahahanda na ang mga magiging irigasyon ng patubig sa ilang sakahan na lubhang maapektuhan o lubhang makakaranas ng El Niño.
Para sa buwan ng Hulyo, ang weather system na makakaapekto sa bansa ay ang SW monsoon, ITCZ, low pressure areas (LPAs) at ang tatlo (3) hanggang limang (5) tropical cyclones na papasok sa o mabubuo sa PAR.
Alam natin na lubhang mahalaga ang tubig para sa ating lahat, kaya ngayon pa lang ang pagtitipid ng tubig ay kinakailangan. Kaya ngayon ay hinihikayat ng NWRB ang publiko na magtipid ng tubig upang makaagapay sa pag-iimbak ng pinakamahalagang yaman sa atin ang TUBIG. (Lynne Pingoy)