Nananatiling matatag ang pamunuan ni Pangulong Aquino sa layuning mabigyan ng kapayapaan ang mga mamamayan ng Mindanao.
Mula nga ng maupo sya sa pwesto noong July 30, 2015, ay inihayag na niya ang kanyang adhikain na magkaroon ng mapayapang pamumuhay ang mga tiga-Mindanao. Sa pahayag ni government peace panel chair Prof. Miriam Coronel-Ferrer, sa kabila ng mga pagsubok at pagbabatikos, nananatiling matatag si Pang. Aquino sa pagbibigay ng mga solusyon upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao. At malayo na raw ang narating nito sa tulong na rin ng suporta sa kanyang mga hakbangin.
Ilan nga sa mga naging makasaysayang peace milestone sa ilalim ng pamumuno ni Aquino ay ang pagpirma ng Framework Agreement on the Bangsamoro, isang paunang kasunduan para sa kapayapaan, noong October 15, 2012; ang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro noong March 27, 2014; ang pagsumite ng draft ng Basic Bangsamoro Law noong nakaraang September 10, 2014 at ang simula ng proseso ng decommissioning sa ceremonial turn-over at decommissioning ng mga armas ng MILF nito lang nakaraang June 16, 2015.
Tinukoy din ni Ferrer na mula sa +12 na rating ng administrasyon tungkol sa pagsisikap na maibalik ang kapayapaan sa Mindanao ay umakyat ito sa +23 public rating katumbas ng nasa 58% na Pilipino, ayon yan sa survey ng Social Weather Stations ngayong second quarter ng 2015. Dagdag pa niya, nananatiling matatag si P-noy sa kanyang paniniwala na ang mga usaping pang-kapayapaan at lahat ng kasunduan ay napapaloob sa 1987 Constitution.
Sa huli sinabi rin ni Ferrer, na ang mga ginagawang ito ng Pangulo para sa kapayapaan sa Mindanao ay hindi dahil nais niya na magpasikat o magpabango lamang ng kanyang pangalan kundi dahil alam daw ng nito kung gaano nanabik ang mga mamamayan ng Mindanao, lalo na ang mga kabataan, na makamit ang kanilang kapayapaan at kaunlaran. (Freda Migano)