Sinira ni Hillary Clinton ang kanyang pagkakataon sa pagtakbo na maging pangulo kahit pa nanalo siya bilang standard bearer ng Democratic nomination for United States for President.
Nagtipon tipon naman ang mga International press at isa sa maliliit na grupo ng mga estudyante sa San New School in Manhattan’s Greenwich Village ipinakita ni Sen. Clinton ang kanyang layunin sa pang-ekonomiya ng patakaran sa bansa para sa unang pagkakataon. Maraming tao ang nakinig sa kanya. Ngunit, ang mga tagapakinig ay naniniwala at inaasahan na si Senator Clinton ay magkaroon ng pananaw at tapang upang harapin ang proseso ng pinaka-kritikal na proseso ng pulitika na isinasagawa ng United States.
Tikom naman ang bibig ni Hillary Clinton sa muling pagbabalik ng Glass- Steagall. Ang kredibilidad ni Clinton ay nabura pati na ang pagkakataon na tumakbo siya bilang pangulo.
Samantala, noong gabi ng Merkules July 15 ipinatawag ni Sen. Warren ang mga democrats upang suportahan siya sa muling pagbabalik ng Glass-Steagall. Ganun din naman ang tanong sa Democratic Presidential candidate Martin O’Malley at deretsyahang naman tinanong ang secretary ni Obama na si Josh Earnest kung susuportahan ng Pangulo ng United States ng Amerika ang pagsusulong ni Sen. Warren na muling ibalik ang Glass-Steagall, negatibo man ang tugon ng secretary ngunit isa lang ang masasabi niya “We’ll stick with Dodd-Frank.”
Ipinahayag naman ng New York Times noong sabado ng umaga nasi Sen. Bernie Sanders ay pang limang co-sponsor ni Sen. Warren sa kanyang 21st Century Glass-Steagall Act at hayagang naman niyang hinamon si Sen. Clinton na sagutin ang tanong na hindi niya sinagot.
Ang pagsusulong ng Glass Steagall sa United States ay muling binubuhay bilang isang bill noong Martes. July 7th ng apat na senador na sina Senator Elizabeth Warren, John McCain, Angus King at Maria Cantwell.
Hindi natin masasabi kung ano ang hinaharap ng mga magiging Pangulo ng Estados Unidos gayon din walang istatistika ang makapag sabi ng pagtatapos sa British Empire.(Rhea Razon)