Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources of the Department of Agriculture (DA-BFAR) ay gumawa ng isang bihirang pangyayari na tinaguriang #LegendsTalksOnPHFisheries sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman sa Quezon City.
Dumalo sa nasabi event ang ibat ibang sayantipiko, industry leaders at ilang public servant.
Kabilang sa mga Legends na dumalo ay sina Dr. Edgardo D. Gomez, National Scientist, Dr. Gavino C. Trono, National Scientist, Dr. Rafael D. Guerrero III, Father of Tilapia Sex Reversal at ang nag-iisang babae sa kanila na kabilang sa mga dumalo si Dra. Sonia Y. De leon, PH 1st Food Technologist. Kasama rin ang ilang industry leaders’ tulad nila Mr. Francisco Buencamino, Mr. Marfenio Tan, Mr. Francisco Tiu-Laurel at si public official Gov. Alfredo Marañon, Jr, bilang mga speakers.
“We organized #Legends in order to widen the perspective and awareness of fishery stakeholders as well as non-fishery participants on the present challenges besetting the Philippine fisheries and aquatic resources,” sabi ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala.
Tinalakay sa event na ito ang pangangalaga sa mga lamang dagat na unti-unti ng nanganganib na maubos o mawala. Iniiwasan din ang sobra sobrang panghuhuli ng mga isda kahit na ang mga ito ay maliliit pa lamang.
Ang tamang pangangalaga sa ating lamang dagat ay nakakatulong sa ating kinabukasan. Sa karagatan tayo kumukuha ng halos kalahati ng ating kinakain. Sa karagatan din nanggagaling ang ikinabubuhay ng ilang tao na naninirahan sa tabing dagat. Kaya dapat hindi natin abusuhin ang pangingisda, kumuha lang tayo ng tamang dami; hindi natin dapat kunin ang mga isdang maliliit pa. (Lynne Pingoy)