Sa apat na araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa ay nagpakita sa bawat mananampalatayang katoliko na Pilipino ang likas na pagiging maka-diyos at pagka mahal sa kanilang mga pamilya. Unang araw pa lamang ng kanyang pagbisita sa bansa ay nakatanggap na siya ng courtesy call mula sa pamahalaan at habang nagbibigay siya ng pahayag ay hindi niya nakakalimutang ipunto ang tungkol sa ideological colonialism na kung saan ay sinabi nya sa mga tao na kailangan nating protektahan ang ating pamilya, na huwag kalimutan ng bawat pamilya ang mangarap at patuloy na mangarap para sa kinabukasan. At pinayuhan din niya ang mga mag asawa na patuloy magmahalan katulad nung nagliligawan at magkasintahan pa ang mga ito.
Itinulad din ng santo papa ang pamilya bilang isang problema sa sistemang pang ekonomiya sa kadahilanan na ang isa sa bawat miyembro ng pamilya ay kinakailangang magibang ibayo para lamang matugunan ang mga pangangailangan ng mga naiwang pamilya sa bansa hindi man deretsyahang sinabi ng santo papa ang nilalaman ng kanyang sinasabi ngunit halata naman ang kanyang pinupunto at ito ang mga OFW.
Dagdag pa ng santo papa na sa pagpasok ng pamilya ang susi upang mawasak. Ang kahalagahan ng isang bayan ay nagsisimula sa lipunan.Hinikayat ng santo papa ang mga Pilipino na kinakailangan natin ito labanan dahil ito ang kagustuhan ng poong maykapal.
Samantala, Ipinahayag din ng santo papa ang kanyang suporta upang labanan ang katiwalian sa gobyerno. Arsobispo palang ng Argentina ay sinusuportahan na niya ang paglaban ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan at dahil sa adbokasiya niyang ito ay nahikayat nya ang mga tao na makiisa sa kanyang layunin. (Rhea Razon)