Science City of Muñoz, Nueva Ecija – Ang mga mananaliksik mula sa PhilRice ay naghahanap ng iba pang bagong paraan sa pag-aaral ng rice leaf nitrogen.
Isang pag-aaral na may titulong Rapid estimation of rice leaf nitrogen contents using low-cost visible-near-infrared (Vis-NIR) Spectroscopy, may layunin itong bumuo at suriin ang visible-NIR spectroscopy technology upang matantya ang leaf nitrogen content sa ilang lugar sa Pilipinas para sa mga irigasyon ng tubig sa mga owland rice cultivars.
Ang Spectroscopic analysis ay ginagamit sa ibang bansa tulad ng United States at Australia para malaman o ialisa ang nutrisyon ng mga halaman.
Sabi ni Jasper G. Tallada, lead researcher “I was intrigued if this kind of technology could work in our country. It exists but I don’t think we are taking advantage of its full capacity.”
May mga kagamitan ang mga magsasaka para sa fertilizer at para mabawasan ang polusyon sa kalikasan tulad ng Soil Test Kit and Leaf Color Chart. “There are limitations in using these tools. The more technical approach is to determine the nutrient status from tissue analysis of the plants at different growth stages to quantify the nutrient demand and correspondingly apply the needed fertilizers,” sabi ni Tallada.
Kaya nag-aatubili ang mga magsasaka na bumili o gumamit ng NIR spectroscopy dahil sa manufacturing costs, significant tariff, at custom duties nito.
Sa ngayon, ang commercial NIR instruments sa Pilipinas ay umaabot sa 4 hanggang 5 milyong. Suhestyon ni Tallada at ng co-researcher na si Maricel A. Ramos na magdevelop locally. Ang LR1-based instrument system ay pwedeng magawa ng locally ng P 100,000 to 150,000. (DA-PhilRice Development Communication Division) (Lynne Pingoy)