Ginaganap ngayong araw ang 1st CENTRAL LUZON GAMEFOWL EXTRO sa Heroes Hall Mini Convention Center, San Fernando, Pampanga.
Dinaluhan ng mga kilalang mananabong at breeders’ mula sa Central Luzon at iba pang panig ng Pilipinas; meron ding mga galing ibang bansa ang nasabing Expo. Ibinandera ng mga sikat na breeder ang kanilang mga malulusog at naggagandahang mga manok. Ito ay kanilang ipinapakita at kung sino man ang may gustong bumili, ito ay kanilang ibinebenta.
Ang mga kasali na exhibitor ay ang HONEY 888 GAMEFARM (Booth A), AL GAR GAMEFARM (Booth B), JET SWEATER GAMEFARM (Booth F), METALBLUES (Booth #101), 482 GAMEFARM (Booth #102), ISES GAMEFARM (MBCOM) (Booth #103), SHURCHEN GAMEFARM (Booth #104), MC GOLD (PSN SUPER COCO (Booth #107), RLN GAMEFARM (Booth #108), ST. PETER GAMEFARM (Booth #109), WBL988 FARM (Booth #110), VR GAMEFARM (Booth #111), JPAG GAMEFARM (Booth #112), REDNAX 168 GAMEFARM (Booth #113), at INVICTUS (Booth #118).
Ang B-MEG Integra Trimax Central Luzon Gamefowl Expo ay ang unang regional gamefowl expos ngaung ikalawang bahagi ng taon. Ginanap ang expo na ito para makasalamuha ng mga backyard raisers ang kanilang mga idolo at mga kilalang breeders at champion pagdating sa larangang ito. Tinuturo din dito ang tamang paraan sa pag-aalaga at sa pagbibreed ng kanilang mga alagang manok. Inaabangan din sa expo na ito ang pagkakaroon ng stag selling na kung saan ang mga local raisers o breeder ay makakakuha o makakabili ng isang good bloodline na manok galing sa mga champion breeders.
Ang 1st Central Luzon Gamefowl Expo ay inihahandog ng B-MEG Integra Trimax kasama ang co-sponsor nilang Tender Juicy Hotdog, Primera Lights at Petron.
Tatagal ang nasabing Expo ng dalawang araw (July 29-30 2015). (Lynne Pingoy)