Mahigit P3M halaga ng common service facilities (CSF) ang ibinahagi ng Department of Agriculture sa mga piling Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) sa probinsya ng Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur. Kasama sa mga ipapamahagi ang 15 hand tractors, 4 corn shellers at 1 tillers.
Ang mga kagamitang pansaka ay kaloob sa ARBO sa ilalim ng Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCCESS) na pinapatakbo ng DAR. Ani ni Regional Director Felix B. Aguhob, sa pamamagitan ng ARCESS ay maipapakilala ng DAR ang mga bagong pamamaraan sa pagsasaka sa mga benipesyaryo sa pagpapalago ng kanilang ani at organisasyon.
Ilan sa mga dumalo sa nasabing tur-over rite ay sina Assistant Regional Director Ramon E. Madronal Jr., Regional Inspectorate Team Raul M. Flores and Isabel Lopez and Provincial Inspectorate Team Provincial Agrarian Reform Program Officer Rizzel B. Villanueva, Samuel Andrew A. Baliton at Iluminada D. Aradji. (Freda Migano)