Kasabay ng mga kabi-kabilang sakuna na nagaganap sa ating kapaligiran, isang programa ang binuksan ng Department of Science and Technology upang magbigay kahandaan at babala sa lahat sa panahon ng mga sakuna.
Sa temang “Ligtas ang Handa, Kaya ng Pinoy!”, nais ng programa na bigyan ng papel ang syensya at teknolohiya sa pagsagip ng buhay at mga ari-arian sa oras ng sakuna. Maglulunsad ng isang much-improved warning system ang DOST kaugnay sa lagay ng panahon, pagsubaybay sa lagay ng mga ilog at dam at maging ang isang komprehensibong atlas para sa West Valley Fault System sa paghahanda para sa lindol lalo na sa area ng Greater Metro Manila.
Kabahagi ang programang ito ng DOST sa pagdiriwang ng National Science and Technology Week (NSTW) na ginaganap sa nagyon sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex. (Freda Migano)