Ngayong Hulyo, nagbigay ng libreng serbisyo ng septic tank cleaning ang pamunuan ng Maynilad sa piling mga lugar sa Caloocan, Las Pinas, Paranaque at Pasay. Inaanyayahan ang lahat ng kustomer ng Maynilad na mag-avail ng nasabing libreng serbisyo.
Ani ni Maynilad President Virgilio P. Vargas, ang naturang programa ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng bawat tahanan gayundin ng kapaligiran.
Ang mga interesadong mag-avail sa libreng serbisyo ay maaaring tumawag sa linya ng Maynilad na 1626 upang malaman ang iba pang mga detalye. (Freda Migano)