Simula July 24-28, 2015 ay gaganapin ang pagdiriwang ng National Science and Technology Week sa taong ito sa SMX Convebtion Center, Mall of Asia sa Pasay City.
Kapapalooban ng mga exhibits ang pagdiriwang ukol sa mga latest DOST inventions gaya ng mga bagong likhang produkto at mga state-of –the-art equipments and machines na orhinal na gawa ng mga Pilipinong scientists and engineers.
Magkakaron din ng mga seminars, forums at iba pang mga gawain na magbibigay kaalaman sa mga dadalo at bibisita sa NSTW celebration.
Ang tema sa taong ito ay “Philippines: A Science Nation Innovating for Global Competitiveness”. Ang tema ay iniayon sa adhikain na maging isang science nation ang bansa at magkaroon ng kapabilidad pagdating sa international market competition. (Freda Migano)