Nag-uwi ng 2 pilak at 2 tansong medalya ang delegasyon ng Pilipinas sa katatapos lamang na 56th International Mathematical Olympiad na ginanap sa Chiang Mai, Thailand noong Hulyo 4-16, 2015.
Nasungkit ni Adrian Reginald Sy ng St. Jude Catholic School at Clyde Wesley Ang ng Chiang Kai Shek College ang dalawang medalyang pilak para sa Pilipinas matapos na umiskor ng 21 at 19 na puntos sa naturang kompetisyon.
Naiuwi ni Sy ang ikatlong pilak na medalya para sa bansa noong nakaraang taon mula sa kompetisyon at sa kanyang muling pagkakapanalo ngayon ay itinanghal siya bilang two-time silver medalist ng IMO. Samantala, si Ang naman na baguhan sa prestihiyosong kompetisyon ay naiuwi ang ika-limang silver medal ng bansa sa loob ng dalawampung pitong taon natin pakikilahok.
Si Farell Eldrian Wu naman ng MGC New Life Christian Academy ay kinapos lamang ng dalawang puntos para makapasok sa silver medal bracket ngunit naiuwi pa rin ang kanyang ikalawang bronze medal sa naturang kompetisyon. Samantala, ang pambato naman ng Holy Rosary College na si Albert John Patupat ay umiskor naman ng 15 points upang selyuhan ang isa pang tansong medalya. Isa namang Honourable mention ang iginawad kay Kyle Patrick Dulay ng Philippine Science High School- Main Campus matapos itong makapagtala ng 12puntos.
Sina Team Leader Dr. Ernie Jose Lope at Deputy Team Leader Louie John Vallejo ng Mathematical Society of the Philippines (MSP) ang namuno sa pambansang delegasyon. Ang koponan ng Pilipinas sa IMO ay pinili mula sa 20 National Finalists of the Philippine Mathematical Olympiad na sumailalim pa sa pagsasanay noong Abril at Mayo sa pamamagitan ng Math Olypiad Summer Camp sa pamumuno ng MSP.
Dahil sa tagumpay, nakakuha ang Philippine Team ng 87 puntos sa pangkalahatan at pumwestong ika-36 sa 104 na kalahok. Ayon kay Lope, ang performance ng Pilipinas ay nagbigay ng pagkakataon upang makalpit tayo sa pwesto ng mga bansang kasama natin sa Southeast Asia gaya ng Hongkong (ranked 28) at Indonesia (rank 29).
Ang IMO ay binubuo ng anim na tanong na kaiangang masagot ng mga kalahok sa loob lamang ng dalawang araw. Ang mga tanong ay mula sa apat na subjects ng math na geometry, algera, number theory at combinatorics. Bawat tanong ay katumbas ng pitong puntos.
“The six problems appearing at the IMO are certainly very difficult that even the easiest of these is several times harder than the math problems that are usually encountered by high school students,” pahayag ni Lope na nagsisilbing Team Leader ng grupo sa loob ng tatlong taon.
Ayon naman kay Dr. Josette Biyo, Director ng Department of Science and Technology- Science Education Institute (DOST-SEI), na ang naturang panalo ay hindi na kaila dahil sa galing at talinong taglay ng mga Filipino math wizard at sa kapasidad nila na manalo sa international competitions.
“I am not surprised that we won given the credentials of the members of our Philippine team. They’re all proven winners and we’re very happy that they brought home a historic feat for the nation,” ani Biyo.
Pinuri din niya ang MSP para sa nakikitang oag-unlad at di daw malayong maiuwi na ng bansa ang kauna-unhan nitong ginto sa IMO.
“We are getting there and hence the government will continue its support to these types of programs to ensure that we not only produce winners in the competitions but also in the real world where we need more scientists and engineers,” dagdag pa na pahayag ni Biyo.
Ang partisipasyon ng Pilipinas sa IMO ay naging possible sa pakikipagtulungan ng DOST-SEI at MSP kasama ang Foundation for the Upgrading of Secondary Education, Metrobank Foundation, Inc., University of the Philippines Diliman – Institute of Mathematics, Ateneo de Manila University – Department of Mathematics, Social Security System, Mathematics Teachers Association of the Philippines, United Coconut Planters Life Assurance Corporation, and Holy Rosary College. (Freda Migano)