Feature Articles:

The Coca-Cola Company at FNRI laban sa Iron Defeciency Anemia

Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong Pilipinas ay inilunsad ng Coca-Cola Company katuwang ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) at lokal na pamahalaan ng Quezon City ang “Minute Maid Nurisha Supplementary Program” upang masugpo ang malnutrisyon sa bansa.
Ngayong araw ay una ng inilunsad ito sa Sauyo Elementary School sa lungsod ng Quezon. Ang programa ay may layong tulungang maiangat ang antas ng kalusugan ng bawat kabataan partikular ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pamamahagi ng isang non-commercial product ng Coca-Cola – ang Minute Maid Nurisha at ang 120days na feeding program ng organisasyon. Ang Minute Maid Nurisha ay isang inumin na nakatutulong upang labanan ang Iron Deficiency Anemia at ang iba pang micro-nutrient defeciencies na maaaring taglayin ng kabataan.
Sa paglulunsad nito ay isang nakasisiyang programa ang inihanda para sa mga tiga-Sauyo. Namahagi ng libreng almusal at tanghalian sa mga mag-aaral ang Coca-Cola kasama ang inuming Minute Maid Nutrisha. Nakibahagi din ang Congressman ng Quezon City na si Cong. Kit Belmonte, Atty. Adel Tamano  Vice-President for Public Affairs and Communications ng Coca-Cola Company, ilang representative mula sa FNRI na pinangunahan ni Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, Ph.D at ang mga opisyal ng barangay at ng Sauyo Elementary School.
May 300 na mag-aaral na nasa Grade 1 at Grade 2 ang nakisaya sa programa. Samantala, ang kanilang mga magulang at guro naman ay binigyan ng karagdagang kaalaman tungkol sa produkto at sa mga benipisyong dulot nito sa kanilang mga anak at mag-aaral.
Taong 2005 pa ng unang makipagtulungan ang Coca-Cola sa FNRI sa paggawa ng isang inumin na makatutulong sa pagbawas ng kaso ng Iron Defeciency Anemia sa bansa sa pamamagitan ng Nutri Juice Program. Ang naunang programa ay umani ng positibong epekto kung kaya’t muli silang nagsama sa pag-formulate ng isang inumin na pinatibay ng iba’t-ibang nutrients at ng Iron na higit na kailangan sa pagsugpo sa Iron Defeciency Anemia (IDA).
Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ng National Nutrition Survey noong 2008 ay 19.8% o humigit sa 3 milyong mga bata ang nakararanas ng malnutrition sa Pilipinas partikular na ang IDA. Kung kaya naman ay naisipan ng Coca-Cola na tumulong sa pagsugpo nito.
Malaking tulong ang nasabing programa upang matulungang maiangat ang kalagayan ng kalusugan ng mga kabataang Pilipino. Sa isang panayam sa residente ng Sauyo na si Rosedel Naval 25 years old ay malaking kaginhawaan daw ang dulot ng feeding program at ng masustansyang inumin sa pagtulong upang hindi maging malnourished ang kanyang anak at ang iba pa. Ganun din ang pananaw ng guro sa unang baitang sa Sauyo Elementary School na si Annalyn Garcia. Dahil laganap daw ang kahirapan sa kanilang barangay ay isang biyaya ng maituturing sa bawat pamilya ang feeding program na ito.
Ngayong taon ay target pa ng Coca-Cola ang makatulong sa may 30,000 kabataan sa buong bansa.
Kasabay naman nito ay isinusulong din ng FNRI ang pagdiriwang ng Nutrition Month sa taong ito na may temang “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”. Layunin ng lokal na sektor na turuan ang mga mamamayan sa tamang pag-aalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain kasabay ng regular na pag-eehersisyo.
Sa pagwawakas ng programa ngayong araw ay nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng mga opisyal ng Coca-Cola Company, lokal na pamahalaan ng Quezon City at ng mababang paaralan ng Sauyo.
Bukas ang The Coca-Cola Company sa pakikipagtulungan sa mga pampublikong paaralan at iba pang organisasyon na may katulad na layunin. (Freda Migano)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...