Feature Articles:

BT products sa pagsulong ng mas malagong Agrikultura sa bansa

LINAS TOWN RISES AGAIN

OMPONG EATS BROWN RICEOMPONG EATS RICE3

Isang malikhain at kasiya-siyang pamamaraan ang naging tulay ng manunulat na si Charina Garrido-Ocampo upang maibahagi sa mga nakababata ang kahalagahan ng mga bio-technological na produktong agrikultural sa buhay ng mga tao particular ang BT corn seeds.

Sa kanyang bagong likhang librong-pambata na pinamagatang “Lina’s Town Rises Again”, isinalaysay niya kung paano nakatulong sa muling pagbangon sa buhay ang isang magsasaka at ang kanyang komunidad ang pagtatanim ng BT corn seeds matapos ng sila’y hagupitin ng malakas na bagyo. Ang kwentong ito ni Ocampo ay ibinase sa totoong pangyayari sa buhay ng isa ring magsasaka.

Sa kwentong ito ni Ocampo, layon niyang ipahatid sa murang kaisipan ng kanyang mga mambabasa ang kabutihang dulot ng mga bio-technological na produkto sa pag-unlad n gating agrikultura at kabuahayan na sya ring isinusulong ng Biotech Coalition of the Philippines (BCP).

Ayon kay Ocampo, sa kanyang pagsulat sa akdang ito ay nagkarron siya ng pagkakataong mapanatili ang interes ng mga kabataan sa mga bagay na may kinalaman sa agrikultura.

Dito sa kanyang bagong libro ay buong-tibay niyang sinusuportahan ang paggamit ng biotech na produktong corn seeds. Sa katulad na pahayag ni Abraham Manalo, Executive Director ng BCP, ang libro na ito ni Ocampo ay nakatutulong upang maintindhan na ligtas at malinis ang paggamit ng mga agricultural biotech na produkto. Nakapagbibigay din umano ito ng higit na malaking kita sa mga magsasaka.

Kasabay ng pagsulong ng kanilang adbokasiya ay naglunsad naman ng story-telling session ukol sa libro sa iba’t-ibang probinsya sa bansa gayundin ang book launching nito. Ang book launching na isinagawa sa Project 6 Elementary School sa Quezon City ay dinaluhan ng may mahigit 200 mag-aaral edad 8-10 taong gulang, kasama ang kanilang mga guro , miyembro ng media at ng biotech seed industry. Samantala, ang isinagawa namang story-telling ni Prof. Venus I. Guyos, Director of Libraries of the University of Saint Louis of Tuguegarao ay dinaluhan naman ng mga provincial officers ng Cagayan. Gayundin ng may 100 estudyante, kanilang mga guro’t magulang at naisabalta rin ng dalawang lokal na cable TV stations sa buong probinsya.

Samantala, dalawang learning hubs din para sa mga mag-aaral sa elementarya ang pinanatili ng Kagawaran ng Edukasyon ng lungsod Davao upang patuloy na magsagawa ng story-telling sessions ukol sa librong isinulat ni Charina Garrido-Ocampo. Sa ngayon, nkapagsagawa na ng tatlong story-telling sessions ang Monsanto Philippines katuwang naman ang Biotech Coalition of the Philippines sa pamamahagi ng mga librong pambata upang mapalawig pa ang kaalaman ng lahat ukol sa bio-tech agrikultural products. Ang librong ito ni Ocampo ay kauna-unahang libro na may paksang ayon sa bio-tech corn seeds.

Si Charina Garrido-Ocampo ay ang kasalukuyang Corporate Affairs Head for the Philippines ng Monsanto Philippines Inc.,, isang agricultural company na sumusuporta sa mga magsasaka sa buong mundo. Sila ay nakatutok sa pagtulong sa mga magsasaka na palawigin ang kanilang ani at kita habang tumutulong sa pag-konserba sa mga natural resources gaya ng enerhiya at tubig. Siya ay nakapagtapos ng Cum Laude sa University of the Philippines College of Mass Communications. Kumuha rin siya ng kursong Law sa parehong unibersidad. Naging kabahagi rin siya ng International Rice Research Institute (IRRI) mula 2003-2006 bilang Community Relations Manager.

Isa si Ocampo sa mga pangunahing taga-suporta sa pagsusulong ng biotech products para sa agrikultura ng bansa. Ayon sa kanya, sa pagsulat ng kanyang bagong libro, nais niyang maalis ang maling akala ng lahat ukol sa mga bio-tech products at sa kaligtasan nito. At bilang bahagi rin ng BCP, isinusulong nila ang ligtas at mahusay na gawi sa pagsasaka.

Hindi lamang sa kabuhayan nakabubuti ang pagtatanim ng BT corn seeds gayundin sa kalusugan ng lahat. Nag-iisa ang Monsanto sa namamahagi ng mga BT corn seeds dito sa bansa. Maliban sa BT corn seeds, naitampok na rin ni Ocampo sa kanyang mga naunang akda ang kabutihang dulot din ng pagkain ng brown rice. Isinalaysay niya ito sa libro niyang “Popong Eats His Brown Rice”. (Freda Migano)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...