Sa pamamagitan ng training na ibinigay ng Department of Science and Technology- Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI), nagkaroon ng pagkakataon ang mga furniture and handicraft workers ng Lubao sa Pampanga na mahinang ang kanilang kakayahan sa bamboo finishing.
Nitong nakaraan nga lang ay nagsagawa ng tatlong araw na training ang FFRDI sa Sta. Catalina Bamboo Negosyo Village tungkol sa bamboo finishing. Ito ay ang spin-off project ng probinsya ng Pampanga sa pamamagitan ng DTI’s “industry cluster approach”.
Simula pa noong 2010 ay gumagawa na ng engineered bamboo products gaya ng armchairs, e-wall panels, ceiling tiles, floor tiles, wall decors at mga novelty items.
Sa pangunguna ng lokal na gobyerno ng Lubao at sa pakikipagtulungan ng DOST regional at local offices, tinuruan ang mga participants na tamang pamamaraan ng paglalagay ng finishing sa iba’t-ibang uri ng bamboo products.
Ang FFRDI training na ito ay makatutulong sa pagpapatibay ng kalidad ng mga produkto ng mga tiga-Lubao.
Bilang pasasalamat naman sa proyektong ito,sinabi ni Laila Talabut ng Municipal Agriculturist Office ng probinsya, siguradong malaking tulong ang mga naituro sa mga workers sa kanilang lugar upang lalong mapabuti ang kalidad ng kanilang mga produkto at sana sa sususnod ay mas maging mataas ang benta nila sa merkado. (S&T Media Service)(Freda Migano)